/ Romance / THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE / CHAPTER 1: HIS DOWNFALL

공유

THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE
THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE
작가: febbyflame

CHAPTER 1: HIS DOWNFALL

작가: febbyflame
last update 최신 업데이트: 2025-08-13 20:21:02

Tamara’s Point of View

“Let’s break up.” sambit ko habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak.

Kaagad na napakunot ang noo ni Lexus, para bang hindi pa rin niya iniintindi ang ibig sabihin ng sinabi ko.

“That’s not a good joke, Babe,” aniya, may bahagyang ngiti pa sa labi,ngiting mabilis ding naglaho nang makita niyang hindi ako natawa.

“Hindi ako nagbibiro,” mahina kong tugon. “Ayoko na, Lexus. May iba na akong mahal… sorry. Hindi na ako nakapaghintay. We are engaged.” Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, ipinapakita sa kanya ang makinang na singsing na nakasuot sa daliri ko,singsing na hindi galing sa kanya.

Kita ko ang unti-unting pagguho sa mga mata niya, para bang nabasag ang mundo na buong buhay niyang iningatan. Alam kong dinurog ko siya, pero ito ang dapat. Hindi ko hahayaang iwan niya ang lahat ng mayroon siya,ang pamilya, ang pangalan, ang kinabukasang pinaghirapan niya,para lang sa akin.

He is the new CEO of Luxerio’s Empire. His family is rooting for him, and I will not be the reason he loses everything.

Naaalala ko pa ang huling gabi bago ko gawin ito. Mag-isa akong nakaupo sa balcony ng apartment ko, hawak-hawak ang isang lumang litrato namin ni Lexus,nakangiti siya, walang bahid ng pagod o presyon.

Pero ngayon, siya na ang bagong CEO ng Luxerio’s Empire. Lahat ng mata, nakatingin sa kanya. At ang bawat maling galaw, pwedeng magwasak hindi lang sa pangalan niya, kundi sa buong pamilya niya.

Narinig ko pa ang sinabi ng ama niya noon: “Walang puwang ang kahinaan sa Luxerio, anak. At ang pipiliin mong makakasama, magiging repleksyon ng pangalan natin.”

Alam kong hindi ako ang babaeng papasa sa pamantayan ng mundo niya.

And it's over now.

Gusto kong sumigaw na hindi totoo, gusto kong yakapin siya at sabihing siya lang ang mahal ko. Pero hindi ko kaya. Ayokong maging dahilan para isuko niya ang lahat, ang pangarap, ang pangalan, at ang trono ng Luxerio’s Empire na matagal niyang pinaghirapan.

Lumuhod si Lexus sa harap ko, hawak-hawak ang magkabila kong kamay na para bang kung bibitawan niya, mawawala na ako sa buhay niya. Kita ko kung paano nanginginig ang mga daliri niya, kung paano nagdidilim ang mga mata niya sa takot.

“N–No… don’t do this, Tamara. Please… tell me you’re lying!” basag-basag ang boses niya, para bang bawat salita ay pilit niyang isinisigaw sa ilalim ng tubig.

Parang may pumunit sa puso ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak sa dibdib niya at sabihing siya lang ang mahal ko,na lahat ng ito ay kasinungalingang iniimbento ko para lang maprotektahan siya. Pero hindi pwede. Kung bibigay ako ngayon, mawawala ang lahat ng dahilan kung bakit ko sinimulan ito.

“Lexus…” napalunok ako, pilit pinapatigas ang boses kahit halos sumuko na ako. “Hindi ako nagsisinungaling.” Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko mula sa kanya, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak, para bang hawak niya ang huling piraso ng mundo niya.

Kita ko ang luha na ngayon ay dumadaloy na sa pisngi niya. Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakitang ganito,ang malakas, matapang, at walang inuurungang Lexus… ngayon, wasak sa harap ko.

At ako ang dahilan.

“N–No… Mahal kita! Mahal natin ang isa’t-isa ‘di ba? Ah–I can give up everything just for you!” Basag ang boses niya, at sa bawat pakiusap niya, pakiramdam ko’y isa-isa ring pumuputol ang mga ugat ng puso ko.

Napapikit ako. Iyon nga ang problema! Kaya niyang isuko lahat para sa akin, pero hindi ko ‘yon kayang makita dahil mahal ko si Mommy Melody at Daddy Apollo. Ayokong masaktan sila sa gagawing desisyon ni Lexus!

Hindi ko na nagawang sumagot. Sa halip, marahas kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Sa mismong sandaling iyon, may humintong itim na kotse sa tapat namin. Bumukas ang pinto, at bumaba si Franz,ang lalaking matagal nang karibal ni Lexus sa negosyo, at ang taong pinakiusapan kong magpanggap bilang fiancé ko.

Agad na nanigas si Lexus nang makita siya. Kita ko ang bahagyang panginginig ng panga niya, at kung paano dumilim ang tingin niya.

“Tamara.” malamig pero mapanatag ang tinig ni Franz habang lumalapit at walang alinlangang isinukbit ang braso niya sa bewang ko, na para bang matagal na kaming magkasama. “Ready to go?”

Parang nabasag ang hangin sa pagitan naming tatlo. Ramdam ko ang titig ni Lexus, matindi iyon na puno ng sakit at galit. At kahit alam kong gawa-gawa lang ang lahat, masyado na itong totoo para bawiin.

Inilapit ni Franz ang mukha niya sa akin, bahagyang ngumiti para sa palabas naming dalawa, pero sapat para lalo pang patayin si Lexus sa sakit. “Let’s not keep my parent’s waiting, they’re excited to meet you.” dagdag pa niya bago ako igiya papasok sa kotse.

Huling beses kong nilingon si Lexus,nakaluhod pa rin siya, ngunit ngayon ay parang wala nang buhay ang mga mata. At alam kong sa oras na iyon… tinuldukan ko na talaga ang lahat.

Sa kotse ay tahimik akong nakaupo habang pinapaandar ni Franz ang sasakyan. Hindi ko na magawang tumingin sa kanya. Ang mga mata ko ay nakatuon lang sa bintana, pilit ikinukubli ang panginginig ng labi ko.

“Good acting back there,” malamig na sabi ni Franz, pero ramdam ko ang bahid ng awa sa boses niya. “Pero sigurado ka ba sa ginagawa mo? He looked… destroyed.”

Napapikit ako. “I have to, Franz. Ayokong maging dahilan para masira ang buhay niya.” Pero sa loob-loob ko, para na rin akong namatay kanina nang makita kong nakaluhod siya.

Ilang minuto pa lang ang lumipas, pero ramdam ko na ang bigat sa katawan ko. Nagsimula akong malito, parang umiikot ang paningin ko. Pinilit kong huminga nang malalim pero lalo lang akong nahilo.

“Tamara?” narinig kong tawag ni Franz, pero unti-unti nang nagdidilim ang paligid. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang pagmamadaling pagpreno ng sasakyan.

Pagmulat ko, puting kisame ang una kong nakita. Amoy alcohol at disinfectant ang paligid. At sa gilid ng kama, nakaupo si Franz, may hawak na bote ng tubig.

“Hey… you’re awake,” mahinang sabi niya.

“Ano’ng nangyari?” garalgal ang boses ko.

Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “You fainted. The doctor ran some tests…” Sandali siyang tumigil, parang tinitimbang kung dapat niya bang sabihin. “Tamara… you’re pregnant.”

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 5: A BAD JOKE?

    Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib, pero kasabay no’n, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Para siyang binitin sa ere.“Wrong send…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi siya mapalagay. Bakit gano’n ang laman ng mensahe? About Tamara. And the kids.Napaupo siya muli sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na para bang ito ang susi sa lahat ng tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Gusto niyang mag-reply. Gusto niyang tanungin si Liven kung ano ba talaga ang ibig sabihin niyon. Pero natigilan siya—ano ang karapatan niya para manghimasok?Bumaling siya sa natutulog na si Aryana. Payapa ang mukha nito, walang alam sa bagyong dumaraan sa isip niya. Saglit niyang i

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 4: IT’S HURT

    Umalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa gitna ng isang masayang selebrasyon na hindi niya maramdaman.Ang bigat ng dibdib niya. Pilit siyang ngumiti kanina para hindi mahalata ng iba, pero ramdam niya sa sarili niyang wala na siyang gana. Kaya umupo siya sa mesa, nakatitig lamang sa baso ng wine na hindi niya man lang ginagalaw.Maya-maya, naramdaman niya ang pag-upo ni Franz sa tabi niya. Tahimik lang ito saglit, pero ang presensya nito ay sapat para kumalma kahit kaunti ang kaba sa puso niya.“Is it hurt?” tanong ni Franz, diretso pero mababa ang tono ng boses.Napalingon si Tamara, pilit na ikinukubli ang emosyon sa mga mata. “What do you mean?”Mas tumindi ang titig ni Franz sa kanya, halos parang binabasa nito ang kaluluwa niya.

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 3: THAT SHOULD BE ME

    Magsasalita na sana ako pero nawala ang atensyon ko kay Lexus nang biglang may sumulpot sa harapan ko, kasabay ng isang pamilyar na tinig.“Waaaah! Ate Tamara!” tila umiiyak na batang sambit ni Massie.Napangiti ako nang makita ko ito at mahigpit kong niyakap. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalagang-dalaga na, at mas maganda pa kaysa sa akin.“Super ganda mo, Massie!” sambit ko.“At super ganda mo rin, Ate Tamara! Na-miss kita sobra!”“Woah! Long time no see, Lilsis!”Napakurap ako, halos hindi agad makapagsalita nang makita ko si Liven—ang kakambal ni Lexus. Naka-casual suit lang siya, nakangiti nang maluwang na para bang hindi limang taon ang lumipas mula noong huli kaming nagkita.“Liven…” mahina kong sambit, pero bago pa ako makareact, agad na niyang isinampa ang braso niya sa balikat ko at hinila ako sa isang mahigpit na yakap.Pakiramdam ko ay napaso ako sa gulat at kaba, lalo na nang maramdaman kong naroon pa rin si Lexus, nakamasid sa amin mula sa di-kalayuan.Noon kasi sobran

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 2: WELCOME BACK!

    “Tulungan mo ’ko, Franz,” halos pabulong pero puno ng desperasyon kong sambit habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. Ramdam ko rin na nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa kumot. “Tulungan mo akong makaalis ng bansa. Hindi ako puwedeng magtagal pa rito. Hindi dapat malaman ni Lexus ang pagbubuntis ko.” Nanatiling tahimik si Franz, at nakatitig sa akin na para bang sinusuri kung gaano ko ba talaga kayang panindigan ang sinasabi ko. “Buntis ka sa kanya, Tamara,” mabigat niyang sambit. “Sigurado ka bang handa kang itago sa kanya ’to? Hindi mo man lang siya pagbibigyan na malaman na—” “Franz, please,” mabilis kong putol, halos pakiusap na may halong panginginig. “Kapag nalaman niya, iiwan niya lahat… iiwan niya ang Luxerio’s Empire para lang sa akin at sa batang ’to. Hindi ko hahayaan na gawin niya ’yon. Masisira siya. Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya.” Napatakip ako ng mukha, hindi na napigilan ang pag-agos ng mga luha. Sa bawat salitang luma

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 1: HIS DOWNFALL

    Tamara’s Point of View“Let’s break up.” sambit ko habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak. Kaagad na napakunot ang noo ni Lexus, para bang hindi pa rin niya iniintindi ang ibig sabihin ng sinabi ko. “That’s not a good joke, Babe,” aniya, may bahagyang ngiti pa sa labi,ngiting mabilis ding naglaho nang makita niyang hindi ako natawa. “Hindi ako nagbibiro,” mahina kong tugon. “Ayoko na, Lexus. May iba na akong mahal… sorry. Hindi na ako nakapaghintay. We are engaged.” Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, ipinapakita sa kanya ang makinang na singsing na nakasuot sa daliri ko,singsing na hindi galing sa kanya. Kita ko ang unti-unting pagguho sa mga mata niya, para bang nabasag ang mundo na buong buhay niyang iningatan. Alam kong dinurog ko siya, pero ito ang dapat. Hindi ko hahayaang iwan niya ang lahat ng mayroon siya,ang pamilya, ang pangalan, ang kinabukasang pinaghirapan niya,para lang sa akin. He is the new CEO of Luxerio’s Empi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status