Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE / CHAPTER 3: THAT SHOULD BE ME

Share

CHAPTER 3: THAT SHOULD BE ME

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-08-13 23:57:00

Magsasalita na sana ako pero nawala ang atensyon ko kay Lexus nang biglang may sumulpot sa harapan ko, kasabay ng isang pamilyar na tinig.

“Waaaah! Ate Tamara!” tila umiiyak na batang sambit ni Massie.

Napangiti ako nang makita ko ito at mahigpit kong niyakap. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalagang-dalaga na, at mas maganda pa kaysa sa akin.

“Super ganda mo, Massie!” sambit ko.

“At super ganda mo rin, Ate Tamara! Na-miss kita sobra!”

“Woah! Long time no see, Lilsis!”

Napakurap ako, halos hindi agad makapagsalita nang makita ko si Liven—ang kakambal ni Lexus. Naka-casual suit lang siya, nakangiti nang maluwang na para bang hindi limang taon ang lumipas mula noong huli kaming nagkita.

“Liven…” mahina kong sambit, pero bago pa ako makareact, agad na niyang isinampa ang braso niya sa balikat ko at hinila ako sa isang mahigpit na yakap.

Pakiramdam ko ay napaso ako sa gulat at kaba, lalo na nang maramdaman kong naroon pa rin si Lexus, nakamasid sa amin mula sa di-kalayuan.

Noon kasi sobrang seloso niya kaoag magkadikit kami ni Liven. Gano’n pa rin kaya ang reaction niya ngayon?

“Wow, you didn’t even age a bit,” biro ni Liven habang humihiwalay sa yakap. “And… oh, my! Sino ‘tong dalawang cuties na ’to?”

Lumingon siya sa direksyon nina Liana at Thunder na parehong nakatingin sa kaniya, curious.

“They are my kids.” proud at nakangiti kong sambit.

Napasinghap si Massie. “Woah! May pamangkin na pala kami?! Waaah, ang cuties nila!” sabay halik sa kambal.

Tuwang-tuwa naman ang dalawa na pinanggigigilan sila.

“Kids, she’s your Tita Massie, and this is your Tito Liven.” pakilala ko.

Sabay na ngumiti at nag-bless ang dalawa kay Massie at Liven.

“They both look like you!” sambit ni Massie.

Napalunok ako. Liven chuckled, clearly amused, pero mula sa gilid ng mata ko, nakita ko kung paano lalong nanigas ang panga ni Lexus, na ngayon ay tila hindi na lang basta nanonood, parang handa nang lapitan kami ano mang sandali.

Bigla ay may isang buntis na babae ang lumapit kay Mommy Melody. She’s stunning in a simple way, mahinhin ang kilos, malambot ang ngiti, at may aura ng kabaitan na hindi ko maipaliwanag. Naka-flowy dress siya na lalong nagpalutang sa malaking tiyan niya.

“Mommy, where’s Lexus?” mahina nitong tanong. “Nawala kasi siyang bigla, eh.”

Napakunot ang noo ko, at napansin kong tila natahimik ang mga taong katabi ko. Para bang lahat ay sabay-sabay na naghintay sa susunod na mangyayari.

“Oh, Babe!” biglang sigaw ng babae nang mapansin si Lexus sa di-kalayuan. Kumaway pa siya, parang walang ibang tao sa paligid.

Nanlamig ako. Parang may dumagan sa dibdib ko, pinipigilan akong huminga. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa tiyan niyang malaki na… at para bang umikot ang mundo ko.

Buntis siya… at kay Lexus ba?

Bago ko pa mapigilan ang sarili, sunod-sunod na ang tanong na tumakbo sa isip ko.

Asawa ba siya ni Lexus? Live-in partner? Fiancée?

Pero ang pinakamatinding tanong na kumirot sa puso ko. Siya ba ang pinalit ni Lexus sa akin?

At kung oo… bakit parang mas lalo akong nasasaktan kaysa noong iniwan ko siya limang taon na ang nakalipas?

Siniko naman ako ni Liven nang mahina kaya natauhan ako at napabalik sa reyalidad.

“Laway mo baka tumulo.” bulong nito na tila nang aasar dahil napansin niyang nakatitig ako kay Lexus.

Of course. He knows about me and Lexus. Siya ang protector namin noon, but now… it’s all memories

Lexus finally moved toward us, his expression unreadable. Nakatitig siya sa buntis na babae, at tila ito lang ang babaeng nakikita niya. His eyes used to be like that for me before…

“Babe…” ngumiti ang babae, sabay hawak sa braso niya. “Kanina pa kita hinahanap.”

Ramdam ko ang pagtigas ng katawan ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Hindi ko alam kung masakit dahil may hawak siyang iba ngayon… o dahil iniisip kong baka siya na talaga ang buhay ni Lexus.

“This is Aryana,” mahinang sabi ni Mommy Melody, pero sapat para marinig ko. “Lexus’s… fiancée.”

Parang umalingawngaw sa tenga ko ang huling salitang iyon.

Fiancée.

Napapikit ako sandali at pilit kong pinapakalma ang sarili. Franz subtly stepped closer to me, para bang handang saluhin ako kung sakaling bumigay ako. Liven, on the other hand, kept glancing between me and Lexus, his brows furrowing like he was sensing a bigger story.

Lexus cleared his throat, his eyes still locked on mine. “Tamara,” mababa at mabigat ang tono niya, “I didn’t know you were coming back.”

Ngumiti ako at pilit na inaalis ang panginginig ng labi ko.

“Neither did I.”

Pero sa loob-loob ko, isa lang ang malinaw, mas mahirap pala makita siyang may iba kaysa iwan siya noon.

“Sino pala siya?” inosenteng tanong ng babae, sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Kita ko sa mata niya ang genuine curiosity, walang halong pagdududa.

“She’s…” saglit na natigilan si Lexus, pero mabilis ding bumawi, “…our adopted sister.”

Parang may kung anong sumaksak sa puso ko sa narinig ko. Adopted sister. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o masaktan. Noon, he would proudly call me “his”. Ngayon, para lang akong parte ng pamilyang pilit niyang nilalayo sa tunay na koneksyon namin noon.

“Ah…” ngumiti ang babae at iniabot ang kamay niya sa akin. “I’m Aryana. Nice to meet you, Tamara.”

Kinuha ko ang kamay niya, at pilit na nagbalik ng ngiti. “Same here.”

Pero ramdam ko ang panlalamig ng palad ko, at hindi iyon dahil sa aircon ng venue.

Sa gilid, napansin kong nakatitig si Franz kay Lexus, habang si Liven naman ay kunot-noo, para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan lang. Knowing him na may say sa lahat ng bagay.

At sa gitna ng lahat, si Lexus… nakamasid lang sa akin, tila ba naghihintay kung babasagin ko ba ang kasinungalingang sinabi niya. Ngunit umiwas na ako ng tingin, at tumitig sa mga anak ko.

“So, let’s double celebrate!” masiglang sigaw ni Daddy Apollo na bumasag sa katahimikan. “For my gorgeous wife’s 60th birthday, and for welcoming back Tamara and her twins!”

Nagsigawan kami at nag-cheers ng wine glass na kabibigay lang ng waiter.

“Ah— Lexus, sumipa ang baby natin...” biglang sambit ni Aryana.

Kaagad naman na dinaluhan ni Lexus si Aryana at hinawakan ang tiyan nito.

“Are you hurt? Gusto mo bang umakyat na lang tayo sa kuwarto natin?” nag-aalalang tanong ni Lexus habang himas ang tiyan ni Aryana.

Ngumiti ako ng mapait, at nakaramdam ng konting awa sa mga anak ko. Habang nakatitig ako sa kanila, sila naman ay nakamasid kay Lexus— not knowing na si Lexus ang ama nila.

Masama siguro akong ina… dahil inilayo ko sila sa ama nila na ngayon ay magkakaroon na rin ng anak, at kitang-kita naming lahat kung paano siya mag-alala at alagaan si Aryana.

Ako dapat ’yon, eh... kami dapat...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 9: GUTIERREZ

    Pagkarating naman ni Tamara sa Designer Department, agad niyang naramdaman ang ibang atmosphere. Mas creative, mas light, mas maingay nang bahagya kumpara sa crisp at formal na hallway sa executive floor.Ang mga mesa ay may mood boards, color palettes, scattered sketches, at ilang sample fabrics. May mga nakasabit na miniature models ng future projects at mga vision board na puno ng inspiration photos.At sa gitna ng department, dalawang babae ang abala sa pag-aayos ng sample swatches habang nagtatawanan.“Hi, Ma’am? Kayo po ba si Tamara?”Una siyang nilapitan ng isang chinita, masayahin ang mukha, naka-bob cut at may suot na oversized cream sweater.Paglingon ni Tamara, agad siyang binati ng warm smile.“Hi, yes. I’m Tamara,” magaan niyang sagot.“Wah, ang ganda mo po. Ako naman si Luiella.Lumapit din ang isa pang babae—mas tahimik tingnan pero fierce ang features, naka-ponytail at may hawak na tablet.“Welcome po sa department namin. I’m Kyline by the way. New hire, right?” tanong

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 8: LIVEN’S WORDS

    “Kupal ka talaga,” kunot-noong sabi ni Liven, sabay bagsak ng folder sa mesa ni Lexus.Napamulagat si Jeiron.“Uy, bro—relax,” sabay tawa niya pero halatang na-curious. “Narinig mo ba—”“Narinig ko lahat.” putol ni Liven, hindi tumitingin kay Jeiron. “Lexus.”Lumingon si Lexus, hawak ang yosi pero hindi makasinghot. “What? Kung sesermonan mo ako—save it.”Lumapit si Liven sa kanya, mabagal, may bigat bawat hakbang. Parang hangin sa kwarto ay sumisikip sa bawat segundo.“‘Basurang matagal mo nang tinapon,’ ha?” malamig na ulit nito. “So gano’n na tawag mo kay Tamara ngayon?”Napangiwi si Lexus.“Don’t twist my words.”“Hindi ko tinitwist. Narinig ko mismo.” Saglit na huminga si Liven, pilit pinapakalma ang sarili. “God, Lex… hindi ka ba napapagod sa pag-arte na galit ka? Na wala kang pake?”Tumawa si Lexus, mapait. “Don’t psychoanalyze me, Liven. Hindi ako ikaw.”“Exactly,” mabilis na sagot ni Liven. “Kasi ako—marunong umamin kapag may mali. Ikaw? Hindi mo kayang tanggapin na naaapektu

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 7: ASO’T PUSA!

    Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Tamara. Tahimik ang buong bahay, tanging huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng hangin sa mga kurtina ang maririnig. Nakasandal siya sa wooden railing ng balkonahe, hawak ang isang tasa ng kape na halos hindi niya nalalasahan. Mabigat ang dibdib niya, hindi dahil sa problema—kundi dahil sa desisyon na kailangan na niyang gawin.Kasunod ng maliliit na yabag, lumabas si Liana, ang panganay niya, dala ang paborito nitong plush toy.“Mommy… are we really going back to Singapore?” tanong nito, nakakunot ang noo, may halong lungkot sa boses.Napatingin si Tamara sa anak, bago pa siya makasagot, lumabas si Thunder, kasunod si baby Sofia na nasa yakap ng kanilang yaya.“Mom, gusto ko dito,” sabi ni Thunder, diretso at walang pasikot-sikot. “I can play outside. I can be with Lolo. And… mas masarap pagkain dito.”Natawa si Tamara kahit papaano, pero sa likod ng tawa niya ay pagtatama ng isip at puso.Umupo sila sa balkonahe—magkakatabi, magkakadiki

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 6: DNA TEST

    Kinabukasan, tawanan at harutan ng mga bata ang sumalubong kay Lexus. Sandali siyang napahinto dahil hindi siya sanay sa ganoong atmosphere. Maagang nagising ang kambal—tumatawa habang nag-aagawan ng laruan sa sala. Sa gilid naman, si Tamara ay abala sa paghahanda ng almusal, suot ang simpleng apron, nakapusod ang buhok, at may ngiti sa labi na tila walang mabigat na iniisip.Ilang segundo lang pero tila huminto ang oras para kay Lexus. Hindi niya alam kung dahil ba sa amoy ng bagong lutong pancakes o dahil sa tanawing parang bumabalik sa kanya ang nakaraan—’yung mga panahong madalas siyang bumisita kina Tamara, bago pa man sila magkaroon ng kanya-kanyang buhay.“Good morning, Tito Lexus!” masiglang bati ng kambal sabay lapit at yakap sa kanya.Napakurap siya, bahagyang nagulat sa pagiging malapit ng mga bata sa kanya. “O-oh, good morning,” mahina niyang sagot, sabay haplos sa ulo ng isa.“Ang aga n’yo ah,” pilit niyang dagdag, sinusubukang itago ang pagkailang. Pero habang pinagmamas

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 5: A BAD JOKE?

    Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib, pero kasabay no’n, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Para siyang binitin sa ere.“Wrong send…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi siya mapalagay. Bakit gano’n ang laman ng mensahe? About Tamara. And the kids.Napaupo siya muli sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na para bang ito ang susi sa lahat ng tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Gusto niyang mag-reply. Gusto niyang tanungin si Liven kung ano ba talaga ang ibig sabihin niyon. Pero natigilan siya—ano ang karapatan niya para manghimasok?Bumaling siya sa natutulog na si Aryana. Payapa ang mukha nito, walang alam sa bagyong dumaraan sa isip niya. Saglit niyang i

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 4: IT’S HURT

    Umalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa gitna ng isang masayang selebrasyon na hindi niya maramdaman.Ang bigat ng dibdib niya. Pilit siyang ngumiti kanina para hindi mahalata ng iba, pero ramdam niya sa sarili niyang wala na siyang gana. Kaya umupo siya sa mesa, nakatitig lamang sa baso ng wine na hindi niya man lang ginagalaw.Maya-maya, naramdaman niya ang pag-upo ni Franz sa tabi niya. Tahimik lang ito saglit, pero ang presensya nito ay sapat para kumalma kahit kaunti ang kaba sa puso niya.“Is it hurt?” tanong ni Franz, diretso pero mababa ang tono ng boses.Napalingon si Tamara, pilit na ikinukubli ang emosyon sa mga mata. “What do you mean?”Mas tumindi ang titig ni Franz sa kanya, halos parang binabasa nito ang kaluluwa niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status