Mag-log inUmalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa gitna ng isang masayang selebrasyon na hindi niya maramdaman.
Ang bigat ng dibdib niya. Pilit siyang ngumiti kanina para hindi mahalata ng iba, pero ramdam niya sa sarili niyang wala na siyang gana. Kaya umupo siya sa mesa, nakatitig lamang sa baso ng wine na hindi niya man lang ginagalaw. Maya-maya, naramdaman niya ang pag-upo ni Franz sa tabi niya. Tahimik lang ito saglit, pero ang presensya nito ay sapat para kumalma kahit kaunti ang kaba sa puso niya. “Is it hurt?” tanong ni Franz, diretso pero mababa ang tono ng boses. Napalingon si Tamara, pilit na ikinukubli ang emosyon sa mga mata. “What do you mean?” Mas tumindi ang titig ni Franz sa kanya, halos parang binabasa nito ang kaluluwa niya. “Masakit bang makita na ibang babae na ang inaalagaan ni Lexus?” Parang humigop ng lahat ng hangin si Tamara sa paligid. Hindi niya alam kung sasagot ba siya o tatayo na lang at lalayo. Pero bago pa siya makapili, kusa na lang siyang napangiti—isang mapait na ngiti na pilit niyang itinago sa likod ng malalim na buntong-hininga. “Maybe…” sagot niya sa wakas. “Or maybe mas masakit lang kasi ngayon ko lang nare-realize… na hindi na ako ang mundo niya. At kahit anong gawin ko, hindi na babalik ‘yon.” Tumahimik si Franz. Pero halata kay Tamara kung paano lalo pang lumalim ang titig ng lalaki sa kanya. Para bang may gusto itong sabihin, may gustong iparamdam, pero pinipigilan. Sa halip, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Tamara sa ilalim ng mesa. Walang pwersa, walang pag-angkin. Isang hawak na puno ng katahimikan at suporta—parang sinasabing, “Kahit masaktan ka, hindi ka mag-isa.” Napakagat-labi si Tamara at muling tumingin sa mga anak niya. Naroon ang kambal, masayang naglalaro kasama sina Massie at Liven, walang kamalay-malay sa bigat ng mundo ng mga matatanda sa paligid nila. “They deserve the truth…” mahina niyang bulong, halos siya lang ang nakarinig. “But I don’t know if I’m ready to face it.” Mas hinigpitan ni Franz ang pagkakahawak sa kamay niya. Sa boses nitong puno ng katiyakan, sumagot ito. “Then I’ll be here… hanggang maging handa ka.” Samantala tahimik lang si Lexus habang naglalakad silang palabas ng venue kasama si Aryana. Ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya, lalo na nang maramdaman nilang kumalaw si baby kanina. Dapat ay puro saya ang nararamdaman niya—magiging ama na siya, may kasal na nakatakda. Dapat, buo na ang lahat. Pero kahit anong pilit niyang ngumiti sa fiancée niya, may ibang kirot na bumabalot sa dibdib niya. Kanina, nang makita niya si Tamara… para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Limang taon. Limang taon na hindi sila nagkita, at sa isang iglap, bumalik lahat. Ang sakit, ang alaala, ang mga salitang hindi niya nasabi. At ngayon, naroon ito… may dalang dalawang bata. Dalawang batang may mga matang pamilyar. Mga ngiting parang kanya. Napakagat siya ng labi at pilit na iniwas ang tingin habang naglalakad papunta sa sasakyan. Ayaw niyang mag-isip. Ayaw niyang umasa. Pero habang naririnig pa rin niya sa isip ang tawa ng kambal kanina, alam niyang hindi iyon basta pagkakahawig lang. “Babe,” tawag ni Aryana, at marahang hinaplos ang kamay niya. “Okay ka lang ba? You’ve been too quiet since earlier.” Huminga siya nang malalim, at pilit na tinatago ang bigat sa puso. “I’m fine. Pagod lang siguro.” Ngumiti si Aryana nang walang halong pag-aalinlangan. “Don’t worry. Soon, kapag dumating na si baby, mas magiging buo na ang pamilya natin, at ’yung pagod mo mawawala kapag nakita mo na ang anak natin.” Pamilya. Parang lalo siyang nasakal sa salitang iyon. Kay Tamara siya unang nangarap nang masayang pamilya, pero ngayon... magkaiba na sila ng landas na tinatahak. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para kay Aryana, pero bago ito sumakay, sandali niyang nilingon muli ang venue. Hindi niya alam kung nandoon pa rin si Tamara, pero kahit lumayo na siya, pakiramdam niya’y naiwan pa rin ang isang bahagi niya sa tabi nito. At sa isip niya, iisa lang ang tanong na paulit-ulit na bumabalik, na hindi niya kayang sagutin kahit anong pilit— “’Yung dalawang bata ba… ako ba ang ama nila?” Pagkauwi nila mula sa party, agad na dumiretso si Aryana sa kwarto. Kita kay Lexus ang pagod at tila mabigat na iniisip, pero hindi na iyon napansin ng babae. Sa halip, mas pinili nitong mahiga at ipahinga ang katawan habang banayad na nakahawak sa tiyan na may dinadalang buhay. Ilang minuto lang, mahimbing na itong natulog. Si Lexus naman ay naiwan sa terrace, hawak ang baso ng whiskey. Tahimik ang paligid, tanging malamlam na ilaw ng mga poste sa hardin at mahihinang tunog ng kuliglig ang naririnig. Pero sa loob niya, isang bagyo ang humahampas, hindi matahimik, hindi mapakali. Muling bumalik sa isip niya ang eksena kanina. Ang mga mata ng kambal, malinaw at pamilyar. Ang paraan ng kanilang ngiti, at kung paanong sabay pa silang nag-bless kay Massie at Liven—eksaktong galaw na parang déjà vu sa kanya. “They both look like you…” paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya ang sinabi ni Massie kay Tamara. Napapikit siya nang mariin at halos mabasag ang basong hawak dahil sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kanyang kamay. Ramdam niya ang init sa dibdib, isang uri ng pagkagulo na matagal na niyang hindi naramdaman. “Damn it…” mahina ngunit mariing bulong niya, habang pinipigilan ang sariling sumigaw. Pero paano nga ba niya haharapin ang lahat? Wala naman siyang malinaw na karapatan para basta na lang magtanong. Wala siyang pinanghahawakang ebidensya. At kung sakaling tama ang kutob niya… kung totoo ngang mga anak niya ang kambal… bakit hindi sinabi ni Tamara? Bakit limang taon silang itinago sa kanya? Napabuntong-hininga siya, mabigat, parang may nakapatong na bato sa dibdib niya. Ilang sandali pa, naglakad siya pabalik ng kwarto, dala ang pagod at mabigat na isipin. Pagpasok niya, bumungad agad ang tanawin ng mahimbing na natutulog na si Aryana. Nakatagilid ito, banayad ang paghinga, at marahang nakahawak sa tiyan na may dinadalang anak nila. Tumigil si Lexus sa may pintuan, matagal na tinitigan ang fiancée niya. Mahal niya si Aryana, oo. Mahal sa paraang kaya niyang ibigay. Pinili niyang mahalin ito dahil ito ang kasama niya, ito ang nagbigay ng panibagong direksyon sa buhay niya. Pero bakit, sa kabila ng lahat, pakiramdam niya’y may kulang? Bakit parang mas mabigat ngayon ang dala niya kaysa sa dati? Lumapit siya sa kama at sandaling pinagmasdan si Aryana. Nilapat niya ang baso sa bedside table at umupo sa gilid, pero hindi na rin siya nagtagal. Tumayo siya muli at binuksan ang lampshade, bago pa tuluyang patayin ang ilaw. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon, nagbabakasakaling may mga notification lang na makaka-distract sa kanya. Ngunit isang mensahe ang agad na bumungad. Mula kay Liven. > “We need to talk. About Tamara. And the kids.” Nanlaki ang mga mata niya, at para siyang natuyuan ng dugo sa nabasa. Bigla niyang nabitawan ang cellphone, tumama ito sa sahig na may malutong na tunog. Napakapit siya sa gilid ng mesa, pilit na humihinga nang malalim. Pero imbes na gumaan, parang lalo siyang nilulunod ng tanong at posibilidad. At sa sandaling iyon, pakiramdam niya’y lalo siyang hindi makahinga.Ang katahimikan sa sala ay tila isang telon na unti-unting bumababa, mabigat at puno ng tensyon. Sa gitna ng bawat paghinga, ramdam ni Tamara ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso na tila gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Si Lexus ay nakaluhod pa rin, ang kaniyang mga mata ay hindi inaalis sa mukha ni Thunder. Ang titig na iyon ay hindi na lamang usisa; isa na itong pagsusuri, isang paghahanap sa isang puzzle na ilang taon nang nakabaon sa nakaraan. “Black sports cars?” ulit ni Lexus sa isang mahinang tinig, halos pabulong. Tumingin siya kay Liana, na ngayon ay tumigil na rin sa pagkukulay at nakatingin nang diretso sa kaniya. “Bakit black sports cars?” Nagkibit-balikat si Thunder, walang bahid ng pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata. “Kasi cool tignan. Tapos, ‘yung kay Daddy dati, black din, ‘di ba, Mommy?” Napapikit si Tamara. Gusto niyang takpan ang tainga ng mga bata, gusto niyang hilahin sila palayo sa presensya ni Lexus, ngunit para siyang estatwa—hindi m
Tahimik ang opisina.Nanatiling nakatingin ang ama ni Lexus sa hawak nitong litrato ni Thunder habang dahan-dahang bumabagsak ang ekspresyon nito mula pagtataka tungo sa hindi maipaliwanag na pagkagulat.Tahimik na nakatingin si Lexus.“Dad?”Napakurap ang matanda.Dahan-dahan nitong ibinalik ang larawan sa mesa.“Saan mo nakuha ito?”“Kay Tamara.”Natahimik muli ang matanda.Muli nitong sinulyapan ang lumang album sa mesa.Larawan ni Lexus noong limang taong gulang.Katabi nito ang larawan ni Thunder.Halos walang pinagkaiba.Parehong mata.Parehong ngiti.Parehong maliit na peklat.Hindi agad nagsalita ang matanda.“Dad.”Mas naging seryoso ang boses ni Lexus.“May gusto ka bang sabihin?”Napabuntong-hininga ang ama niya.Pagkatapos ay naupo ito.“Alam mo ba…”Sandaling tumigil ang matanda.“Noong bata ka, kapag may nasasaktan sa bahay…”Napangiti ito nang bahagya.“…lagi kang humaharang.”Napakunot-noo si Lexus.“Anong koneksyon noon dito?”Marahang tumingin ang matanda sa kaniya.
"About the twins."Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ni Tamara matapos marinig ang mga salitang iyon.Pilitan siyang ngumiti."What about them?" tanong niya, pilit na pinapakalma ang sarili.Mariing nakatitig si Lexus sa kaniya."Tell me the truth, Tamara."Napahigpit ang hawak niya sa kaniyang damit."What truth?""Did Franz ever know about the twins before they were born?"Napakurap si Tamara.Hindi iyon ang inaasahan niyang itatanong nito."Why are you asking?""Because something doesn't make sense."Tumalim ang tingin ni Lexus."I saw the DNA result. Negative. Hindi ako ang ama."Bahagyang nakahinga nang maluwag si Tamara, ngunit hindi pa rin nawawala ang kaba niya."Then what's the problem?""Dahil pakiramdam ko may tinatago ka."Natahimik si Tamara."Lexus, enough.""No!" biglang tumaas ang boses nito.Napaatras siya."Apat na taon, Tamara! Apat na taon akong nagtatanong sa sarili ko kung bakit mo ako iniwan!""At apat na taon din akong nasaktan!" sigaw niya pabalik.Nagulat
Nang mga oras na ‘yon ay biglang tumunog ang cellphone ni Lexus at bumungad sa kaniya ang pangalan ng kaniyang kaibigang doctor. Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ni Lexus, kaya kaagad niya itong sinagot.“What’s the result?” Kinakabahan niyang tanong habang nakaupo ito sa swivel chair sa kaniyang opisina.“Bro, Ikaw na ang tumingin, I sent you an email. Naroon ang resulta.” Tugon nito mula sa kabilang linya.Napatango si Lexus. “Okay, salamat.” Sambit niya bago ibinaba ang tawag.Samantala, ang kaibigan niyang si Arman ay nasa opisina nito sa hospital. Halos nakayuko at hindi makatingin sa babaeng kasama niya— walang iba kundi si Aryan.“Good job, Arman. Now, safe ang residency mo rito sa hospital, hanggat safe ang sikreto tungkol sa kambal. Naiintindihan mo?” Sambit ni Aryan nang may halong pagbabanta.Napatango na lamang si Arman at halos hindi na makapagsalita. Ayaw niyang traydurin ang kaibigan niya, but he had no choice, hawak siya sa leeg ni Aryan.“Sige, I’l go now.” Sambit
Pagbalik ni Tamara sa Designer Department, ramdam niyang nakatingin sa kanya ang ilan. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagiging bago niya… o dahil halatang galing siya sa mismong opisina ng CEO.Naupo siya nang tahimik sa workstation, pilit na nagko-concentrate sa mga sample fabric. Pero hindi pa man siya nakakabawi ng hininga, biglang bumukas ang pinto ng studio.Pumasok si Cindy, ang kilalang istriktong Chief Designer—maganda, elegante, pero may reputasyong suplada. Kasunod niya ang dalawang close friends niyang designers.Deretso ang tingin ni Cindy kay Tamara. Matatalim. Mapagmasid.Tumigil siya sa harap ni Tamara. At tahimik naman ang buong department at lahat ay tila nag-aabang at nakikinig.“So,” panimula ni Cindy, naka-fold ang arms.“First day mo pa lang, ipinatawag ka na agad sa office ng CEO. Impressive.” May halong sarcasm sa boses nito.Napatingin si Tamara, pero mahinang tumayo para magbigay respeto.“H–hindi ko po alam na tatawagin niya ako. I didn’t expect—”“Exactly.
Pagkarating naman ni Tamara sa Designer Department, agad niyang naramdaman ang ibang atmosphere. Mas creative, mas light, mas maingay nang bahagya kumpara sa crisp at formal na hallway sa executive floor.Ang mga mesa ay may mood boards, color palettes, scattered sketches, at ilang sample fabrics. May mga nakasabit na miniature models ng future projects at mga vision board na puno ng inspiration photos.At sa gitna ng department, dalawang babae ang abala sa pag-aayos ng sample swatches habang nagtatawanan.“Hi, Ma’am? Kayo po ba si Tamara?”Una siyang nilapitan ng isang chinita, masayahin ang mukha, naka-bob cut at may suot na oversized cream sweater.Paglingon ni Tamara, agad siyang binati ng warm smile.“Hi, yes. I’m Tamara,” magaan niyang sagot.“Wah, ang ganda mo po. Ako naman si Luiella.Lumapit din ang isa pang babae—mas tahimik tingnan pero fierce ang features, naka-ponytail at may hawak na tablet.“Welcome po sa department namin. I’m Kyline by the way. New hire, right?” tanong
Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Tamara. Tahimik ang buong bahay, tanging huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng hangin sa mga kurtina ang maririnig. Nakasandal siya sa wooden railing ng balkonahe, hawak ang isang tasa ng kape na halos hindi niya nalalasahan. Mabigat ang dibdib niya,
Kinabukasan, tawanan at harutan ng mga bata ang sumalubong kay Lexus. Sandali siyang napahinto dahil hindi siya sanay sa ganoong atmosphere. Maagang nagising ang kambal—tumatawa habang nag-aagawan ng laruan sa sala. Sa gilid naman, si Tamara ay abala sa paghahanda ng almusal, suot ang simpleng apro
Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng d
Magsasalita na sana ako pero nawala ang atensyon ko kay Lexus nang biglang may sumulpot sa harapan ko, kasabay ng isang pamilyar na tinig.“Waaaah! Ate Tamara!” tila umiiyak na batang sambit ni Massie.Napangiti ako nang makita ko ito at mahigpit kong niyakap. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalagan







