“Tulungan mo ’ko, Franz,” halos pabulong pero puno ng desperasyon kong sambit habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko.
Ramdam ko rin na nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa kumot. “Tulungan mo akong makaalis ng bansa. Hindi ako puwedeng magtagal pa rito. Hindi dapat malaman ni Lexus ang pagbubuntis ko.” Nanatiling tahimik si Franz, at nakatitig sa akin na para bang sinusuri kung gaano ko ba talaga kayang panindigan ang sinasabi ko. “Buntis ka sa kanya, Tamara,” mabigat niyang sambit. “Sigurado ka bang handa kang itago sa kanya ’to? Hindi mo man lang siya pagbibigyan na malaman na—” “Franz, please,” mabilis kong putol, halos pakiusap na may halong panginginig. “Kapag nalaman niya, iiwan niya lahat… iiwan niya ang Luxerio’s Empire para lang sa akin at sa batang ’to. Hindi ko hahayaan na gawin niya ’yon. Masisira siya. Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya.” Napatakip ako ng mukha, hindi na napigilan ang pag-agos ng mga luha. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, lalo kong nararamdaman ang bigat ng kasinungalingan na binuo ko. Humugot ng malalim na hininga si Franz, saka tumango nang dahan-dahan. “Okay. I’ll help you. Pero sa oras na magbago ang isip mo… kahit anong mangyari, I’ll make sure you can still go back to him.” Hindi ko siya sinagot. Dahil sa loob-loob ko, alam kong kapag nagbalik ako… baka huli na ang lahat. // FIVE YEARS LATER Mabigat ang ulan sa labas ng maliit naming bahay sa Italy, at sa loob, maririnig ang tawa ng dalawang munting tinig na pinakamahal ko sa mundo. “Mommy, look!” masayang sigaw ni Liana habang ipinapakita ang ginuhit niyang bulaklak sa maliit na notebook. Katabi niya si Thunder, nakanguso habang sinusubukang ayusin ang Lego na hindi magkadikit-dikit. Limang taon na ang lumipas mula nang iwan ko si Lexus, limang taon mula nang itinago ko ang pagbubuntis ko sa kanya. Sa araw na nanganak ako, umiyak ako ng walang humpay—hindi lang sa sakit ng panganganak, kundi sa sakit ng katotohanang wala siya sa tabi ko para makita ang mga anak naming ipinanganak. Pinangalanan ko silang Liana at Thunder. Liana—mula sa salitang “liwanag,” para ipaalala sa akin na may pag-asa pa rin kahit sa gitna ng kadiliman. At Thunder naman dahil noong unang beses kong maramdaman siyang kumilos sa tiyan ko, malakas ang kulog sa labas, parang ipinapaalala na kahit mabangis ang unos, may buhay na lalabas mula rito. Ngayon, habang pinagmamasdan ko silang maglaro, may kirot pa rin sa puso ko. Hindi nila kilala ang ama nila… at hindi alam ng ama nila na sila ay nabubuhay. “Thunder, give it back!” bigla ay tili ni Liana habang pilit inaagaw ang stuffed bunny niya mula sa kakambal. “Hala, akin na ’to! Papa Franz gave this to me!” biro ni Thunder habang tumatakbo paikot sa sala. “Ay naku,” sabat ni Franz habang papasok mula sa kusina at may dalang tray ng cookies. “Bunny lang yan, Liana. Oh, sa’yo na ’to—mas malaki pa!” Kinuha niya ang isang malaking teddy bear mula sa gilid at iniabot kay Liana. “Papa Franz, you’re the best!” masayang yakap ni Liana sa kanya. Si Thunder, na hindi gustong matalo ay agad ding sumugod at yumakap. “Me too! Hug me too, Papa!” sambit ni Thunder. Natawa si Franz, sabay isiniksik sa magkabilang braso ang kambal. “Aba, dalawang mabibigat na bata sabay-sabay, huh? Kung ganyan kayo lagi, kailangan ko na talagang mag-gym araw-araw.” Mula sa kusina, pinagmamasdan ko silang tatlo. Sa loob ng limang taon, si Franz ang tumulong sa akin palakihin sila, walang tanong, walang reklamo. Kilala siya ng mga bata bilang “Papa” pero alam nilang hindi ito ang tunay nilang ama. Alam kong darating din ang tamang panahon para malaman nila ang totoo. Kaka-serve ko pa lang ng panibagong cookies sa mesa nang biglang tumunog ang landline sa gilid ng sala. Agad kong kinuha ang receiver, naisip ko na baka delivery lang o kapitbahay. “Hello?” “Tamara, it’s me… your Daddy Apollo.” Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Matagal ko na silang hindi nakakausap. “Malapit na ang 60th birthday ng Mommy Melody mo,” malumanay pero puno ng emosyon ang boses niya. “She misses you… we miss you so much. Baka puwedeng bumalik ka na rito sa Pilipinas?” Napakagat ako sa ibabang labi, at napatingin sa sala kung saan masayang naglalaro ang kambal kasama si Franz. “Dad…” mahina kong sambit at ramdam ang paninikip ng dibdib. “Alam mo naman pong… hindi gano’n kadali.” “Anak,” patuloy niya, “Limang taon na mula nang umalis ka. Hindi ka man lang umuwi kahit isang beses. Your mom’s birthday is special… and honestly, she’s not getting any younger. Please, Tamara… for her.” Bumuntong-hininga ako, pinipigilan ang pagbaha ng alaala ng Pilipinas… at ng taong iniwan ko roon. Hindi pa ako nakakasagot nang marinig ko ang tawanan ni Liana at Thunder sa background, at bahagyang sumilip si Franz mula sa sala, parang nagtatanong kung ayos lang ako. “Pag-iisipan ko, Dad,” mahina kong sabi. Pero sa puso ko, alam kong pag-uwi ko… hindi lang sila ang makikita ko. Kinagabihan, matapos kong patulugin si Liana at Thunder ay kaagad na namayani ang katahimikan sa bahay, tanging tunog lang ng ulan sa labas at mahinang ugong ng heater ang maririnig. Habang si Franz ay nasa kusina, nakasuot ng plain white shirt, habang nagtitimpla ng kape. Nakatayo lang ako sa may pintuan, nag-iisip kung paano ko sisimulan. “Franz…” tawag ko, kaya agad siyang napatingin. “Hmm?” Lumapit ako at umupo sa stool sa harap ng kitchen island. “Tumawag kanina si Daddy Apollo.” matamlay kong sambit. Bumuntong-hininga siya, inilapag ang kutsarita sa tasa at tumingin sa akin nang diretso. “And?” “Malapit na raw ang 60th birthday ni Mommy Melody. Gusto nilang umuwi ako… kahit sandali lang.” Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng lamesa. “Sabi ni Dad… they miss me. She misses me.” Umupo si Franz sa tapat ko, nakahalukipkip. “And ikaw? Miss mo ba sila?” Napatingin ako sa sahig, walang maisagot agad. “Oo… pero… alam mo kung sino rin ang nando’n.” Tumaas ang isa niyang kilay. “Si Lexus.” Hindi tanong, kundi kumpirmasyon. Tahimik lang ako, at tila nabasa niya ang lahat ng iniisip ko. “Tamara, hindi mo kayang umiwas habambuhay,” seryosong sabi niya. “Pero kung babalik ka… kailangan mong maging handa. Dahil oras na makita ka niya, lalo na kung makikita niya sina Liana at Thunder…” Huminto siya, parang tinitimbang ang mga susunod na salita. “He might know…” Matagal kaming natahimik ni Franz matapos ang sinabi niya. Nakatitig lang ako sa tasa ng kape na hindi ko man lang nagalaw. Sa isip ko, paulit-ulit na bumabalik ang mga mata ni Lexus noong huling beses ko siyang nakita—nakaluhod, wasak, at hindi alam kung paano ako hahabulin. “Kung babalik ako…” mahina kong sabi, “Sasama kayo ni Liana at Thunder. Hindi ako uuwi nang mag-isa.” Tumango si Franz agad, walang pag-aalinlangan. “Of course. Hindi kita pababayaan, lalo na kung nando’n siya.” Napatingin ako sa hallway kung saan nakasabit ang mga larawan naming tatlo—ako, ang kambal, at si Franz. Sa bawat ngiti sa mga litratong iyon, may sikreto sa likod na hindi nila alam. Kinabukasan, sinabi ko na sa kambal habang kumakain kami ng almusal. “We’re going on a trip,” anunsiyo ko, pilit na may kasamang ngiti. “We’re going to meet Mommy’s family in the Philippines.” “Wow! Airplane?” bulalas ni Thunder. “Yes!” tili ni Liana, sabay yakap sa akin. “I’m gonna meet Lola and Lolo!” Ngumiti ako, pero sa loob-loob ko, hindi ko masabi sa kanila na maliban sa mga lolo at lola nila… may isa pang taong pwedeng magbago ng buong mundo namin kapag nakita kami. At sa bawat araw na lumalapit ang flight namin… mas lalo akong kinakabahan. Dahil alam kong sa birthday na iyon, hindi lang pamilya ko ang haharapin ko, kundi pati ang lalaking iniwan ko limang taon na ang nakalipas, at ang ama ng mga anak kong walang kaalam-alam. AT NINOY AQUINO'S INTERNATIONAL AIRPORT Mainit na hangin ang sumalubong sa amin paglabas namin ng airport. Si Liana at Thunder, parehong naka-matching white shirts at denim shorts, ay tuwang-tuwang nakasabit sa magkabilang kamay ko. Si Franz ay nasa likod, hawak ang maleta namin. Nang dumating ang kotse na sasakyan namin ay dumiretso na ito sa event venue. Sinakto ko sa araw ng birthday ni Mommy Melody ang dating namin para ito na rin ang surprise gift ko sa kaniya. Nang makarating kami sa event hall ay malamig at maingay ang malaking function hall, puno ng mga bisita, bulaklak, at puting kurtina na bumabalot sa buong lugar. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nina Liana at Thunder habang naglalakad kami papasok, sinusubukan kong magpakatatag kahit ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. “Tamara!” Masayang sumalubong sa akin si Mommy Melody, at mahigpit akong niyakap na para bang takot siyang mawala ulit ako. “Anak… limang taon kitang hinintay.” Bumaba siya para halikan ang kambal. “And these two… ang gaganda at gaguwapo! A–Anak mo sila?” tila gulat nitong sambit. Wala rin kasi silang alam. Kahit sila ay pinaglihiman ko. Ngumiti lang ako, kahit may kaba sa dibdib. “Yes, Mom. This is Liana, and this is Thunder.” Habang abala kami sa usapan, bigla kong naramdaman na may malamig na dumampi sa paligid. Isang presensya na agad kong nakilala kahit hindi ko pa nakikita. Dahan-dahan akong napalingon. At doon, sa kabilang dulo ng hall, nakatayo si Lexus. Matangkad pa rin, mas seryoso ang tingin, naka-black suit na perpektong bumagay sa kanya. Pero ang mga mata niya… nakatutok lang sa akin. Parang tumigil ang lahat ng ingay sa paligid. Kita ko ang bahagyang pagbuka ng labi niya, para bang gusto niyang magsalita pero hindi alam kung paano magsisimula. At sa likod ng titig na iyon, ramdam ko ang libo-libong tanong na gustong sumabog. Bago pa ako makagalaw, tumakbo si Liana papunta sa akin at humawak sa palda ko. “Mommy, who’s that man? He’s been looking at us.” Hindi ko alam kung paano sasagot. Dahil sa isang iglap, alam kong magsisimula na ang unos na limang taon kong tinakasan.Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib, pero kasabay no’n, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Para siyang binitin sa ere.“Wrong send…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi siya mapalagay. Bakit gano’n ang laman ng mensahe? About Tamara. And the kids.Napaupo siya muli sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na para bang ito ang susi sa lahat ng tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Gusto niyang mag-reply. Gusto niyang tanungin si Liven kung ano ba talaga ang ibig sabihin niyon. Pero natigilan siya—ano ang karapatan niya para manghimasok?Bumaling siya sa natutulog na si Aryana. Payapa ang mukha nito, walang alam sa bagyong dumaraan sa isip niya. Saglit niyang i
Umalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa gitna ng isang masayang selebrasyon na hindi niya maramdaman.Ang bigat ng dibdib niya. Pilit siyang ngumiti kanina para hindi mahalata ng iba, pero ramdam niya sa sarili niyang wala na siyang gana. Kaya umupo siya sa mesa, nakatitig lamang sa baso ng wine na hindi niya man lang ginagalaw.Maya-maya, naramdaman niya ang pag-upo ni Franz sa tabi niya. Tahimik lang ito saglit, pero ang presensya nito ay sapat para kumalma kahit kaunti ang kaba sa puso niya.“Is it hurt?” tanong ni Franz, diretso pero mababa ang tono ng boses.Napalingon si Tamara, pilit na ikinukubli ang emosyon sa mga mata. “What do you mean?”Mas tumindi ang titig ni Franz sa kanya, halos parang binabasa nito ang kaluluwa niya.
Magsasalita na sana ako pero nawala ang atensyon ko kay Lexus nang biglang may sumulpot sa harapan ko, kasabay ng isang pamilyar na tinig.“Waaaah! Ate Tamara!” tila umiiyak na batang sambit ni Massie.Napangiti ako nang makita ko ito at mahigpit kong niyakap. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalagang-dalaga na, at mas maganda pa kaysa sa akin.“Super ganda mo, Massie!” sambit ko.“At super ganda mo rin, Ate Tamara! Na-miss kita sobra!”“Woah! Long time no see, Lilsis!”Napakurap ako, halos hindi agad makapagsalita nang makita ko si Liven—ang kakambal ni Lexus. Naka-casual suit lang siya, nakangiti nang maluwang na para bang hindi limang taon ang lumipas mula noong huli kaming nagkita.“Liven…” mahina kong sambit, pero bago pa ako makareact, agad na niyang isinampa ang braso niya sa balikat ko at hinila ako sa isang mahigpit na yakap.Pakiramdam ko ay napaso ako sa gulat at kaba, lalo na nang maramdaman kong naroon pa rin si Lexus, nakamasid sa amin mula sa di-kalayuan.Noon kasi sobran
“Tulungan mo ’ko, Franz,” halos pabulong pero puno ng desperasyon kong sambit habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. Ramdam ko rin na nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa kumot. “Tulungan mo akong makaalis ng bansa. Hindi ako puwedeng magtagal pa rito. Hindi dapat malaman ni Lexus ang pagbubuntis ko.” Nanatiling tahimik si Franz, at nakatitig sa akin na para bang sinusuri kung gaano ko ba talaga kayang panindigan ang sinasabi ko. “Buntis ka sa kanya, Tamara,” mabigat niyang sambit. “Sigurado ka bang handa kang itago sa kanya ’to? Hindi mo man lang siya pagbibigyan na malaman na—” “Franz, please,” mabilis kong putol, halos pakiusap na may halong panginginig. “Kapag nalaman niya, iiwan niya lahat… iiwan niya ang Luxerio’s Empire para lang sa akin at sa batang ’to. Hindi ko hahayaan na gawin niya ’yon. Masisira siya. Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya.” Napatakip ako ng mukha, hindi na napigilan ang pag-agos ng mga luha. Sa bawat salitang luma
Tamara’s Point of View“Let’s break up.” sambit ko habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak. Kaagad na napakunot ang noo ni Lexus, para bang hindi pa rin niya iniintindi ang ibig sabihin ng sinabi ko. “That’s not a good joke, Babe,” aniya, may bahagyang ngiti pa sa labi,ngiting mabilis ding naglaho nang makita niyang hindi ako natawa. “Hindi ako nagbibiro,” mahina kong tugon. “Ayoko na, Lexus. May iba na akong mahal… sorry. Hindi na ako nakapaghintay. We are engaged.” Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, ipinapakita sa kanya ang makinang na singsing na nakasuot sa daliri ko,singsing na hindi galing sa kanya. Kita ko ang unti-unting pagguho sa mga mata niya, para bang nabasag ang mundo na buong buhay niyang iningatan. Alam kong dinurog ko siya, pero ito ang dapat. Hindi ko hahayaang iwan niya ang lahat ng mayroon siya,ang pamilya, ang pangalan, ang kinabukasang pinaghirapan niya,para lang sa akin. He is the new CEO of Luxerio’s Empi