Share

CHAPTER 6: DNA TEST

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-11-09 03:59:42

Kinabukasan, tawanan at harutan ng mga bata ang sumalubong kay Lexus. Sandali siyang napahinto dahil hindi siya sanay sa ganoong atmosphere. Maagang nagising ang kambal—tumatawa habang nag-aagawan ng laruan sa sala. Sa gilid naman, si Tamara ay abala sa paghahanda ng almusal, suot ang simpleng apron, nakapusod ang buhok, at may ngiti sa labi na tila walang mabigat na iniisip.

Ilang segundo lang pero tila huminto ang oras para kay Lexus. Hindi niya alam kung dahil ba sa amoy ng bagong lutong pancakes o dahil sa tanawing parang bumabalik sa kanya ang nakaraan—’yung mga panahong madalas siyang bumisita kina Tamara, bago pa man sila magkaroon ng kanya-kanyang buhay.

“Good morning, Tito Lexus!” masiglang bati ng kambal sabay lapit at yakap sa kanya.

Napakurap siya, bahagyang nagulat sa pagiging malapit ng mga bata sa kanya. “O-oh, good morning,” mahina niyang sagot, sabay haplos sa ulo ng isa.

“Ang aga n’yo ah,” pilit niyang dagdag, sinusubukang itago ang pagkailang. Pero habang pinagmamasdan niya ang mga ngiti ng mga bata, hindi niya maiwasang mapansin muli ang mga mata nito. Parehong-pareho sa kanya. Lalo na ’yung isa, ’yung batang lalaki. ’Yung titig, parang nakikita niya ang sarili niya sa mas batang bersyon.

“Kuya, tulungan mo naman ako rito. Pakikuha ’yung gatas sa ref,” sabat Massie, nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

“O-oo, sige.”

Tahimik na kinuha ni Lexus ang gatas. Pero habang binubuksan niya ang ref, biglang sumagi sa isip niya ang kagabi. Ang mensahe ni Liven. Ang biro. ‘About Tamara. And the kids.’

Pinilit niyang iwinaksi ang mga iniisip pero hindi niya magawa. Ramdam niya ang pag-init ng dibdib niya, hindi niya alam kung dahil sa kaba o dahil sa galit na dala-dala niya noon pa.

“Kuya Lexus, okay ka lang?” tanong ni Massie nang mapansin siyang natigilan.

Napalingon siya. “Ha? Oo, okay lang.”

Ngumiti si Massie, pero pansin ni Lexus na may bahagyang pag-aalangan sa mga mata nito.

“Thank you, Kuya! Where’s Ate Aryan?”

“Tulog pa siya,” sagot niya, sabay iwas ng tingin, at sumulyap siya kay Tamara kung nakikinig ba ito, pero abala lang ito sa ginagawa.

Habang nag-aalmusal silang lahat, naging masigla ang usapan sa mesa. Ang kambal ay abala sa pagkukuwento ng plano nilang mag-swimming, habang si Aryana ay nakangiting nakikinig lang, halatang nag-eenjoy sa gulo ng umaga.

Si Franz naman, tila gusto nang tapusin ang pagkain para makaalis na. Pero bago pa siya makatayo, biglang nagsalita si Mr. Velarde — ang ama nina Lexus.

“So, Tamara,” ani nito habang nagkakape. “Gaano katagal pa kayo mananatili rito? Baka gusto n’yong magtagal nang kaunti. Alam mo naman, matagal na rin mula nung huli ka naming nakasama”

Saglit na nagkatinginan sina Tamara at Franz. “Ah, siguro hanggang weekend lang po, Dad,” mahinang tugon ni Tamara. “Kailangan din naming bumalik sa Italy para sa mga bata may pasok pa kasi sila sa school.”

Tumango ang matanda, saka ngumiti. “Sayang. Alam mo, Tamara, may opening sa kumpanya. Kung gusto mo, I can recommend you for a position. Magaling ka namang mag-manage noon pa.”

Napalingon si Lexus, at bahagyang nagtaas ng kilay. “Wait, Dad—si Tamara ipapasok mo sa kumpanya?”

Bago pa makasagot ang ama niya, sumabat na siya ulit na may ngiti sa labi, halatang nang-aasar.

“Huwag mo nang alukin ’yan, Dad,” aniya sabay ngisi. “Walang alam ’yan sa business. Baka lalo pang malugi kumpanya.”

Napatingin agad si Tamara, kumunot ang noo. “Excuse me?”

“Eh, totoo naman ah,” sagot ni Lexus na tila nag-eenjoy sa reaksyon niya. “Mas magaling pa ’yatang magbenta ng sampaguita ’yung mga nasa kalye kaysa sa ’yo.”

Napatigil ang lahat. Si Aryana ay bahagyang natawa pero mabilis ding natigilan nang makita ang tingin ni Tamara. Si Franz naman ay nag-angat ng kilay, nakatingin kay Lexus na para bang gustong sabihan ng watch your mouth.

“Wow,” saad ni Tamara, pilit ang ngiti. “You really think you know everything about me, huh?”

Nagkibit-balikat si Lexus. “I don’t need to. Obvious naman, diba?”

“Obvious?” tumayo si Tamara, nakataas ang kilay. “FYI, Mr. Know-it-all, I graduated with a degree in Business Management. Top of my class. So next time, bago ka magbiro, make sure may basehan.”

“Where’s your proof then?” hamon ni Lexus.

“I am the proof.” sabat ni Franz. “Tamara is a great CEO at Italy, before you

Napalingon ang Daddy Apollo niya at bahagyang napangiti sa kaniya. “Really? You never told me that part, Tam.”

“Wow! Congratulations, Tamara!” masigla namang sambit ng Mommy Melody niga.

Lexus, on the other hand, napakamot ng batok, tila hindi alam kung paano babawi. “Ah… ganun ba? Well, congrats,” mahina niyang sabi, pero halatang may ngiting pilit sa labi.

Hindi na siya sinagot ni Tamara. Umupo ito muli, pero kita sa kilos niyang nagpipigil ng inis. Samantalang si Lexus, kahit tahimik, hindi mapigilang mapangiti ng bahagya — hindi dahil gusto niyang asarin pa si Tamara, kundi dahil may kakaibang tuwa sa puso niya sa tuwing nakikita niya itong palaban sa harap ni Lexus.

Tanging ito lang talaga ang nakakapagpababa ng pader ni Lexus. Wala pa ring pinagbago 'yon!

Si Aryana naman ay tahimik na pinagmamasdan silang dalawa, may bahagyang pagtataka siya sa mga tingin at ngiti ni Lexus. At hindi maganda ang pakiramdam niya ro’n.

Pagkatapos ng tensyonadong almusal, nagtungo si Tamara sa gilid ng pool. Tahimik niyang pinagmasdan ang kumikislap na tubig habang pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam pa rin niya ang init ng dugo niya dahil sa mga sinabi ni Lexus kanina sa mesa. Hindi niya alam kung biro lang ba talaga iyon, o sadyang gusto lang siya nitong galitin.

Lumapit si Franz, bitbit ang tasa ng kape, at tahimik na umupo sa katabing upuan. “You okay?” tanong niya matapos ang ilang segundong katahimikan.

“Do I look okay to you?” balik-tanong ni Tamara, hindi na napigilang mapailing. “Grabe siya, no? Parang wala siyang respeto. Hindi ko alam kung anong problema niya sa ’kin.”

Ngumiti lang si Franz, pilit na mahinahon. “Baka hindi lang talaga siya sanay na makita kang independent at successful. Alam mo naman, pride runs in the family.”

Napabuntong-hininga si Tamara at tumingin sa malayo. “Siguro nga. Pero minsan… nakakainis lang. He talks like he knows me—like I’m still the same girl he used to tease years ago.”

Tahimik si Franz sandali bago muling nagsalita. “Well, you can’t blame him entirely. You used to be close, right? Maybe he just doesn’t know how to treat you now… especially na may pamilya ka na.”

Napatingin si Tamara kay Franz. “Yeah… maybe.”

Sa di-kalayuan, nakita niya ang kambal na masayang naglalaro sa tubig kasama sina Massie at Liven. Tila walang iniintinding problema sa mundo.

Napangiti siya nang bahagya. “Tingnan mo sila, Franz… they’re happy here. Sobrang saya nila kahit simpleng araw lang.”

Tumango si Franz. “Oo, pero hindi habang buhay nandito tayo. We both know may career ka pa rin na kailangang ituloy abroad. The offer’s still open, Tamara. It’s good money—enough to secure the twins’ future.”

Umiling si Tamara, mahina pero mariin. “Franz, I’ve been thinking about that… and honestly, I don’t think I should go back. My twins’ happiness is here.”

Nagulat si Franz. “Are you sure about that? Alam mo namang hindi gano’n kadali ang buhay dito.”

“Hindi nga madali,” sagot ni Tamara, diretso ang tingin sa mga anak. “Pero at least, nandito ako sa tabi nila. I missed too much already. I don’t want to miss more birthdays, more mornings like this.”

Tahimik si Franz. Kita sa mukha niya ang pag-aalala, pero may halong paggalang sa desisyon ni Tamara. “I understand… but think about it carefully, Tam. Huwag lang dahil sa emosyon.”

Ngumiti si Tamara, bahagyang mapait. “This isn’t just emotion, Franz. It’s a choice. For once, I’m choosing what feels right for me—and for them.”

Bago pa makasagot si Franz, may biglang boses na sumingit mula sa likuran.

“Nice speech,” saad ni Lexus, nakatayo ilang hakbang lang ang layo, may hawak na tuwalya sa balikat. “Mind if I ask—since when did you start caring about what’s ‘right’?”

Napalingon si Tamara, agad tumigas ang ekspresyon. “Ano na naman gusto mo, Lexus?”

“Wala. Nakikiraan lang. Narinig ko lang kasi ’yung ‘happiness is here’ part. Cute,” biro nito, may bahid ng sarcasm.

“Kung wala kang magandang sasabihin, maybe you should walk away,” malamig na sabi ni Franz.

Ngumiti si Lexus pero halatang tumaas ang tensyon. “Relax, Franz. We’re just talking. Unless… may dapat ba akong hindi marinig?”

“Lexus.” Mariing binigkas ni Tamara ang pangalan niya. “Don’t start.”

Napangiti si Lexus, pero hindi siya nagsalita pa. Tumingin lang siya kay Tamara nang matagal—isang titig na may halong inis, pagtataka, at hindi maipaliwanag na damdamin.

Pagkatapos ay tumalikod siya, iniwan silang dalawa sa tabi ng pool.

Habang naglalakad palayo, hindi niya maiwasang mapaisip. Ang mga salitang binitiwan ni Tamara

“My twins’ happiness is here.” paulit-ulit itong bumabalik sa isip niya.

At sa bawat ulit, lalo lang lumalalim ang kutob niya. Bakit gano’n? Bakit parang hindi lang basta mga bata ang turing niya sa kambal? Ayaw na niyang manghula kaya kusa niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Arman na isang Doctor.

“What’s up? Napatawag ka?” sagot nito sa kabilang linya.

“I need you to run a DNA test—”

“DNA test? Para kanino? Oh, don’t tell me may anak ka na?!” gulat nitong tanong.

“Hindi pa sigurado… kaya kailangan ko ng tulong mo…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Red Celestial
Wala po bang kasunod ito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 9: GUTIERREZ

    Pagkarating naman ni Tamara sa Designer Department, agad niyang naramdaman ang ibang atmosphere. Mas creative, mas light, mas maingay nang bahagya kumpara sa crisp at formal na hallway sa executive floor.Ang mga mesa ay may mood boards, color palettes, scattered sketches, at ilang sample fabrics. May mga nakasabit na miniature models ng future projects at mga vision board na puno ng inspiration photos.At sa gitna ng department, dalawang babae ang abala sa pag-aayos ng sample swatches habang nagtatawanan.“Hi, Ma’am? Kayo po ba si Tamara?”Una siyang nilapitan ng isang chinita, masayahin ang mukha, naka-bob cut at may suot na oversized cream sweater.Paglingon ni Tamara, agad siyang binati ng warm smile.“Hi, yes. I’m Tamara,” magaan niyang sagot.“Wah, ang ganda mo po. Ako naman si Luiella.Lumapit din ang isa pang babae—mas tahimik tingnan pero fierce ang features, naka-ponytail at may hawak na tablet.“Welcome po sa department namin. I’m Kyline by the way. New hire, right?” tanong

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 8: LIVEN’S WORDS

    “Kupal ka talaga,” kunot-noong sabi ni Liven, sabay bagsak ng folder sa mesa ni Lexus.Napamulagat si Jeiron.“Uy, bro—relax,” sabay tawa niya pero halatang na-curious. “Narinig mo ba—”“Narinig ko lahat.” putol ni Liven, hindi tumitingin kay Jeiron. “Lexus.”Lumingon si Lexus, hawak ang yosi pero hindi makasinghot. “What? Kung sesermonan mo ako—save it.”Lumapit si Liven sa kanya, mabagal, may bigat bawat hakbang. Parang hangin sa kwarto ay sumisikip sa bawat segundo.“‘Basurang matagal mo nang tinapon,’ ha?” malamig na ulit nito. “So gano’n na tawag mo kay Tamara ngayon?”Napangiwi si Lexus.“Don’t twist my words.”“Hindi ko tinitwist. Narinig ko mismo.” Saglit na huminga si Liven, pilit pinapakalma ang sarili. “God, Lex… hindi ka ba napapagod sa pag-arte na galit ka? Na wala kang pake?”Tumawa si Lexus, mapait. “Don’t psychoanalyze me, Liven. Hindi ako ikaw.”“Exactly,” mabilis na sagot ni Liven. “Kasi ako—marunong umamin kapag may mali. Ikaw? Hindi mo kayang tanggapin na naaapektu

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 7: ASO’T PUSA!

    Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Tamara. Tahimik ang buong bahay, tanging huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng hangin sa mga kurtina ang maririnig. Nakasandal siya sa wooden railing ng balkonahe, hawak ang isang tasa ng kape na halos hindi niya nalalasahan. Mabigat ang dibdib niya, hindi dahil sa problema—kundi dahil sa desisyon na kailangan na niyang gawin.Kasunod ng maliliit na yabag, lumabas si Liana, ang panganay niya, dala ang paborito nitong plush toy.“Mommy… are we really going back to Singapore?” tanong nito, nakakunot ang noo, may halong lungkot sa boses.Napatingin si Tamara sa anak, bago pa siya makasagot, lumabas si Thunder, kasunod si baby Sofia na nasa yakap ng kanilang yaya.“Mom, gusto ko dito,” sabi ni Thunder, diretso at walang pasikot-sikot. “I can play outside. I can be with Lolo. And… mas masarap pagkain dito.”Natawa si Tamara kahit papaano, pero sa likod ng tawa niya ay pagtatama ng isip at puso.Umupo sila sa balkonahe—magkakatabi, magkakadiki

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 6: DNA TEST

    Kinabukasan, tawanan at harutan ng mga bata ang sumalubong kay Lexus. Sandali siyang napahinto dahil hindi siya sanay sa ganoong atmosphere. Maagang nagising ang kambal—tumatawa habang nag-aagawan ng laruan sa sala. Sa gilid naman, si Tamara ay abala sa paghahanda ng almusal, suot ang simpleng apron, nakapusod ang buhok, at may ngiti sa labi na tila walang mabigat na iniisip.Ilang segundo lang pero tila huminto ang oras para kay Lexus. Hindi niya alam kung dahil ba sa amoy ng bagong lutong pancakes o dahil sa tanawing parang bumabalik sa kanya ang nakaraan—’yung mga panahong madalas siyang bumisita kina Tamara, bago pa man sila magkaroon ng kanya-kanyang buhay.“Good morning, Tito Lexus!” masiglang bati ng kambal sabay lapit at yakap sa kanya.Napakurap siya, bahagyang nagulat sa pagiging malapit ng mga bata sa kanya. “O-oh, good morning,” mahina niyang sagot, sabay haplos sa ulo ng isa.“Ang aga n’yo ah,” pilit niyang dagdag, sinusubukang itago ang pagkailang. Pero habang pinagmamas

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 5: A BAD JOKE?

    Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib, pero kasabay no’n, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Para siyang binitin sa ere.“Wrong send…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi siya mapalagay. Bakit gano’n ang laman ng mensahe? About Tamara. And the kids.Napaupo siya muli sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na para bang ito ang susi sa lahat ng tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Gusto niyang mag-reply. Gusto niyang tanungin si Liven kung ano ba talaga ang ibig sabihin niyon. Pero natigilan siya—ano ang karapatan niya para manghimasok?Bumaling siya sa natutulog na si Aryana. Payapa ang mukha nito, walang alam sa bagyong dumaraan sa isip niya. Saglit niyang i

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 4: IT’S HURT

    Umalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa gitna ng isang masayang selebrasyon na hindi niya maramdaman.Ang bigat ng dibdib niya. Pilit siyang ngumiti kanina para hindi mahalata ng iba, pero ramdam niya sa sarili niyang wala na siyang gana. Kaya umupo siya sa mesa, nakatitig lamang sa baso ng wine na hindi niya man lang ginagalaw.Maya-maya, naramdaman niya ang pag-upo ni Franz sa tabi niya. Tahimik lang ito saglit, pero ang presensya nito ay sapat para kumalma kahit kaunti ang kaba sa puso niya.“Is it hurt?” tanong ni Franz, diretso pero mababa ang tono ng boses.Napalingon si Tamara, pilit na ikinukubli ang emosyon sa mga mata. “What do you mean?”Mas tumindi ang titig ni Franz sa kanya, halos parang binabasa nito ang kaluluwa niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status