Napailing siya. “Wala kang karapatang pumasok dito. Isa kang nobody na walang hiya—pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao, remember?”Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, pero pinilit kong huwag magpatalo.“Kung may walang karapatan dito, ikaw ‘yon, Jared. Kasi kung usapan ay kahihiyan, mas marami kang utang sa akin.”Bago pa siya makasagot, taas noong nagsalita si Faye, “Oh, don’t be bitter, cousin. Hindi mo ba alam?” sabay ngiti, “Ako na ang fiancée ni Jared ngayon, and I will meet her grandmother.”Parang sinaksak ang puso ko, pero pinilit kong ngumiti. “Congratulations,” sabi ko, kahit may panginginig sa boses ko. “Bagay nga kayo—parehong maruruming nilalang.”Napawi ang ngiti sa labi ni Faye. “Excuse me?”Pero bago pa sila makapagsalita ulit, narinig ko na ang pamilyar na boses mula sa may hagdan.“Who’s making a scene in my house?”Napalingon kaming lahat, at bumababa mula sa hagdan ang isang matikas na babae, eleganteng nakaputi, may hawak na baston.Si Doña Esperanza Villarr
Read more