LOGINAt bago pa sila makasagot, kinuha ni Diego ang susi ng kotse at umalis nang hindi na lumingon pa.Habang nasa loob ng sasakyan, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. “Hindi ko hahayaang tuluyan niyong sirain ang babaeng minamahal ko.” sambit ni Diego.Nagtungo siya sa tinutuluyang bahay ni Mirabel. Mas gugustuhin niyang makasama ito, kaysa sa yaman ng Santimayor pero wala namang kasiyahan sa lugar na ‘yon. His life was not there, kundi sa tabi lang ni Mirabel.Samantala si Mirabel, ay kasalukuyang malalim ang iniisip at nag-aalala kay Diego.“Mirabel…”Natigilan siya. Dahan-dahan siyang napalingon, at nanlaki ang mga mata nang makita si Diego, nakatayo sa harap ng kanilang bakod. “Diego?” mahina niyang sambit at halos hindi makapaniwala. Mabilis na lumapit sa kaniya si Diego.“Hindi ka dapat nandito,” sambit ni Mirabel, saka umiwas ng tingin. “Ayokong masira ka sa pamilya mo. Ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagkasira niyo.”Hinawakan ni Diego ang kaniyang kamay, “Wala na ak
Natahimik ang buong palengke. Si Mirabel ay nakatingin lang kay Diego, hindi makapaniwala sa mga naririnig.Ngumiti ito sa kaniya, marahang inabot ang kamay niya. “I told you, hindi ko hahayaan na masaktan ka niya ulit.”Habang si Cassandra ay napahawak sa dibdib, nanginginig sa galit. “Hindi mo alam kung anong sinimulan mo, Diego…”Ngumiti si Diego, malamig ang mga mata. “Alam ko. At handa akong tapusin ito para kay Mirabel.”Kinabukasan, sa malawak at marangyang Hacienda Santimayor, abala si Senyora Belinda sa pag-aasikaso ng mga papeles para sa kanilang negosyo. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng takong ni Cassandra na papalapit sa opisina.Pagpasok nito, agad siyang ngumiti nang may balak, “Tita…” mahinahong bati ni Cassandra. “Kailangan po nating mag-usap tungkol kay Diego… at doon sa babaeng si Mirabel.”Tumingin si Senyora Belinda, halatang hindi pa rin natutuwa sa nangyari kamakailan. “Ano na naman ‘yan, Cassandra? Akala ko ba’t tapos na ‘yang isyung ‘yan?”Umiling si Ca
“Ha?! Aba’t kapal naman ng mukha ng mga ‘yon!” halos pasigaw niyang sagot. “Sino? ‘Yung senyora? ‘Yung mataray na parang laging may kaaway?”Natawa ako. “Hindi siya, pero ex ni Diego, si Cassandra.”“Ay, ‘yung ex niyang piniling manirahan sa Maynila dahil kuno sa pagiging modelo! Sus, iniwan si Senyorito Diego, tapos ngayon babalik balik ay sisirain ang love life niyo! Kung nandoon ako baka kinalbo ko na ‘yon!”Natawa ako sa sinabi ni Betcha. “Ipagtanggol mo ‘ko?” “Siyempre! Tapos papakainin ko siya ng dumi ng kalabaw!” sabay malakas nitong tawa.Napahagalpak din ako ng tawa, hawak ang tiyan. “Grabe ka talaga! Masaya ako na makasama ka ulit!”“Masaya din ako, Bestie!”Matagal kaming nagtawanan hanggang sa unti-unting nawala ang ngiti ko. Napayuko ako, at mahina akong napabuntong-hininga.“Uy…” mahinang sabi ni Betcha, “Bakit parang biglang naging malungkot ka?”Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. “Kasi, Betcha… totoo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itanggi.”ramdam kong
“Eh ‘di siguro nakalimutan mong itago nang maayos! At habang kinukuha mo ang alahas ko ay nalaglag mo ito!” ganting tugon niya, sabay kunot ng noo. “You think hindi ko malalaman? Alam kong may motibo ka kaya ka narito sa hacienda!”.“Cassandra, hindi totoo ‘yan!” nanginginig kong sabi. “Hindi ko kailan man gagawin ‘yan! Nagsasabi ako ng totoo!”Ngunit lumapit si Senyora Belinda, “Mirabel, nakikita ko na maraming dahilan para manatili rito. Pero kung magnanakaw ka, hindi ko na kailangang marinig pa ang paliwanag mo.”“Pero, Senyora—”“Enough!” sigaw niya. “Huwag mo nang i-deny. Kung hindi dahil kay Diego, matagal na kitang pinaalis dito!”Naramdaman kong nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung iiyak ako o sisigaw ako. Pero bago pa ako magsalita, ay nagsalita si Diego.“Ma, Cassandra, tama na ‘yan.” matalin siyang tumitig kay Cassandra, “Hindi si Mirabel ang kumuha ng alahas mo.”“Ha? Eh, sino, ikaw?” sarkastikong tanong ni Cassandra.“Hindi. Pero alam kong kasinungalingan ‘to.”
Hindi ko alam kung paano ko itatago ang ngiti ko noon. Napaisip ako kung maaari bang magkatotoo ang hula…Pagkatapos ng pista ay araw-araw ng nasa tabi ko si Diego. Kung dati ay puro utos at sungit ang binibitiwan niya, ngayon ay puro lambing at biro.“Good morning, Mrs. Santimayor—este, future pa lang pala,” pagbati niya.“Tumigil ka nga diyan,” tugon ko pero hindi ko mapigilang mapangiti. “Baka marinig ka ni Senyora Belinda, at ipakasal kaagad tayo!”“Eh ‘di maganda! Papayag ka naman ‘di ba?” sagot niya, sabay kindat.Kung dati ay ayaw ko sa kaniya, ngayon ay iba na. Minsan nga, habang nagdidilig ako ng mga halaman sa likod ng hacienda ay bigla ko siyang naiisip. Hindi ko alam kung nabubuang na ako o ganito talaga ang epekto ng pag-ibig?Kasalukuyan naman akong gnaghuhugas ng plato, nang marinig ko ang malakas na tinig ni Senyora Belinda sa may sala.“Anak! Hindi mo man lang sinabi sa’kin na darating si Cassandra!”Cassandra?Napahinto ako at lumabas ako ng bahagya para sumilip. At
Sabay kaming nagtungo ni Diego sa plaza para sa pag-aayos ng float. Mainit ang araw pero mas mainit yata ang ulo ko. At halos tatlong oras na kaming nag-aayos ng mga bulaklak sa float para sa pista, at parang mas madali pa sigurong tumakbo ng marathon kaysa makatrabaho si Diego.“Mirabel, masyadong makapal ‘yung dahon dito,” sabi niya habang nakatayo sa tabi ko, nakapamaywang.“Eh, kasi gusto ko leafy look, para natural!” sagot ko habang pinipindot ang glue gun.“Natural? Eh, parang gubat ‘tong ginagawa mo.”“Eh, anong gusto mo, parang sementeryo?”Napahinto siya at tiningnan ako, saka tumawa ng malakas. “Alam mo,” sabi niya habang nakangiti, “Ang kulit mo talaga.”“Compliment ba ‘yon o insulto?”“Depende,” sabi niya, sabay abot ng bulaklak sa akin. “Kung ganyan ka lagi, baka mas madali mo akong makuha.”Napatigil ako. “Excuse me? Ayokong makuha ka, ah?! Lugi ako, lalo at masungit ka!”“Kaya ngani, iniiwasan ko na magsungit ngani.” sabay tawa niyang muli habang nakatitig sa akin.Nati
Tamara’s Point of View“Let’s break up.” sambit ko habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak. Kaagad na napakunot ang noo ni Lexus, para bang hindi pa rin niya iniintindi ang ibig sabihin ng sinabi ko. “That’s not a good joke, Babe,” aniya, may bahagya
Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Tamara. Tahimik ang buong bahay, tanging huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng hangin sa mga kurtina ang maririnig. Nakasandal siya sa wooden railing ng balkonahe, hawak ang isang tasa ng kape na halos hindi niya nalalasahan. Mabigat ang dibdib niya,
Kinabukasan, tawanan at harutan ng mga bata ang sumalubong kay Lexus. Sandali siyang napahinto dahil hindi siya sanay sa ganoong atmosphere. Maagang nagising ang kambal—tumatawa habang nag-aagawan ng laruan sa sala. Sa gilid naman, si Tamara ay abala sa paghahanda ng almusal, suot ang simpleng apro
Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng d



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



