KINABUKASAN, muli akong nagising sa mahihinang ingay ng mga nurse na pabalik-balik sa loob ng silid. Mahimbing pa rin ang tulog ni Sebastian, pero mas malinaw na ang kulay sa pisngi niya, at hindi na gaanong mabigat ang hininga.Naglakad ako papunta sa bintana. Mula roon, tanaw ko ang gilid ng compound na pansamantalang nagsilbing safe house namin. May mga guwardiyang nakapuwesto sa bawat sulok. Ang iba, halata ang pagod, pero matibay pa ring nakabantay.Dahil doon ay bigla akong napaisip. Ganito ba ang magiging buhay ko kung tuluyan kong papasukin ang mundo ni Sebastian? Laging may bantay? Laging may panganib? Laging nasa gitna ng giyera?“Overthinking again,” boses ni Sebastian 'yon, paos pero malinaw.Agad akong napalingon. Nakangiti siya, kahit mahina.“Seb…” Lumapit ako agad, naupo sa gilid ng kama. “You should be resting.”“I did. Kaya nga gising na ulit ako,” sagot niya, medyo may yabang pa rin sa tono. “At saka… hindi ko kayang hindi ka titigan.”Napailing ako, pero hindi ko m
Last Updated : 2025-09-07 Read more