Mag-a-alas singko na ng umaga nang tuluyang tumigil ang usok sa paligid. Ang hangin, amoy abo at pulbura. Ang lupa, basa ng hamog at dugo. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa nasirang bintana lang ang maririnig.Nasa veranda kami ni Sebastian, parehong pagod, parehong walang tulog. Si Marcus ay abala sa pag-aayos ng mga baril at mga sirang device. Ako naman, nakasandal sa poste, hawak ang isang tasa ng kape na ibinigay ni Seb.“First time ko yatang uminom ng kape pagkatapos ng barilan,” mahina kong biro, pilit tinatawanan ang tensiyon.Ngumiti siya, bakas ang pagod sa mukha. “First time ko rin yatang makakita ng babae na hindi natakot sa gitna ng pagsabog.”“Hindi naman sa hindi ako natakot,” sagot ko, sabay hinga nang malalim. “Ayoko lang na mawala ka sa focus dahil lang kailangan mo akong alalayan.”Sandali siyang natahimik. Tumingin siya sa paligid, sa mga sinunog na halaman, sa mga bakas ng bala sa dingding. “This was supposed to be our quiet
Last Updated : 2025-10-12 Read more