Parang kumidlat ang tanong ko sa pagitan namin. Tahimik siyang natigilan, ang mga mata niyang dati’y puno ng apoy, biglang nagdilim.“What if it’s you?” ulit ko, halos pabulong pero matalim, parang tinik na pilit kong iniluluwa.Nagtagal ang katahimikan. Ramdam kong bumigat ang hangin sa pagitan namin, hanggang sa marahan siyang ngumiti nang mapait.“So that’s what you think of me?” mababa at malamig ang boses niya.“Hindi ko sinasabi na ikaw ang kalaban, Sebastian,” sagot ko agad, nanginginig. “Ang sinasabi ko… baka ikaw rin ang apoy na hindi ko kayang hawakan nang matagal. Ang mundo mo, ang paraan mo — lahat ng ito. Maybe it will consume me, too.”Lumapit siya, dahan-dahan, parang predator na hindi sigurado kung yayakapin ka o lulunukin nang buo. Tumigil siya sa harapan ko, at marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Mainit ang palad niya na para bang humaplos hanggang sa puso ko.“Kung ako man ang apoy, Isla,” bulong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, “then I’d rather
Last Updated : 2025-08-28 Read more