Chapter 288 “Hubby, doon natin hintayin sa living room,” anyaya ko habang marahan siyang hinihila sa kamay. Huminto siya sandali at tiningnan ako seryoso, pero may lambing sa mga mata. “Handa ka na bang harapin siya?” bigla niyang tanong habang naglalakad kami. Ngumiti ako, hindi pilit. Isang ngiting galing sa loob. “Oo,” sagot ko. “Dahil isa lang siya sa nakaraan ko. At ang nakaraan… hindi na dapat balikan, ’di ba?” Huminto ako sa harap niya. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at dahan-dahan ko itong inilagay sa dibdib ko, ramdam ang tibok ng puso ko sa ilalim ng palad niya. “At isa pa,” dugtong ko, mahina pero buo ang loob, “kung hindi dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin, hindi ko makikita na ikaw pala ang laman nito.” Tumingin ako sa kanya diretso sa mga mata. “Dito sa puso ko.” Parang may biglang humina sa tindig niya. Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, saka ako hinila sa isang yakap mahigpit, protektado. “Kung anuman ang hah
Last Updated : 2025-12-21 Read more