Chapter 244 Pagdating namin sa opisina, agad na inilapag ng secretary ko ang mga documents na ipinahanda ko. “Sir, ito na po lahat ng hinihingi n’yo—contracts, permits, at financial reports ng Bicol project,” maingat niyang sabi, halatang kabado pa rin. “Leave it there,” malamig kong tugon nang hindi man lang tumitingin. Pagkaalis niya, agad kong kinuha ang unang folder. Isa-isa kong binuklat ang mga papel, mabilis pero detalyado ang mga mata ko. Walang pwedeng makalusot—kahit isang maling pirma, kahit isang petsang hindi tugma. Tahimik ang buong opisina, tanging tunog lang ng papel ang maririnig. Malinis… masyadong malinis. Iyon ang mas lalong nakakapraning. Dinampot ko ang phone ko at tinawagan ang head ng legal. “Double-check everything,” utos ko. “I want names. Lahat ng humawak sa project na ’to—mula engineer hanggang sa pinaka-mababang staff.” “Yes, sir.” Ibinalik ko ang phone sa mesa at napasandal sa upuan. Pumikit ako saglit, pilit inaayos ang magulong isip
Read more