Chapter 200 Zeph POV May mali. Hindi ko kailangan ng ulat o sigaw ng tauhan para maramdaman ’yon at nararamdaman ng katawan ko ang panganib bago pa ito magpakita. Tahimik ang ospital, masyadong tahimik. Ang mga ilaw ay bahagyang pumipitik, parang humihinga nang mabigat ang buong gusali. “Double the guards,” malamig kong utos sa headset. “Walang aalis sa post. Kahit umihi—may kapalit.” “Yes, Boss.” Lumapit ako sa salamin ng ICU. Nakahiga si Julie, payapa ang mukha, pero bawat tunog ng monitor ay parang kutsilyong dumidiin sa dibdib ko. Mahina kong inilapat ang palad ko sa salamin. Maghintay ka lang, mahal ko… nandito ako. Biglang nag-vibrate ang phone ko. UNKNOWN NUMBER Hindi ko sinagot agad. Pinakinggan ko muna ang paligid, isang maling yabag, isang maling hinga, sapat na para pumatay. Sinagot ko. “Kung ransom ’to, mali ang tinawagan n’yo,” malamig kong sabi. Isang boses ang tumawa sa kabilang linya. Mabagal. Mayabang. “Hindi pera ang habol namin, Ze
Last Updated : 2025-12-28 Read more