Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ni Sir Alexander at tinanong niya kami ni Kyle kung kailan kami magpapakasal. Sa pagkakaalam ko ay sinusubukan pa lang naming muli ang aming relasyon kaya sa tingin ko ay masyadong mabilis para sa akin kung magpapakasal kami kaagad dahil lang kay Chiara. "Dad, hindi pa po namin napag-uusapan ang kasal," pag-amin ni Kyle kay Sir Alexander. "Masyado pa pong maaga kung pag-uusapan namin iyan."Nangunot ang noo ni Sir Alexander sa narinig, "Maaga pa rin ba kahit may anak na kayong dalawa? Aba, kailangan mo na ring ibigay sa apo ko ang apelyido natin.""Dad, matagal-tagal din po kaming hindi nagkita ni Jean Antoinette," pangangatuwiran ni Kyle sa kaniyang ama. "She's still adjusting sa katotohanang magkarelasyon kaming muli.""But still, ayaw kong matawag na anak-sa-labas ang apo ko dahil lang sa hindi kayo kasal," sagot ni Sir Alexander. "Wala naman kayong masasagasaang tao kung sakali."Bago pa man namin maibuka ni Kyle ang mga bibig namin pa
Last Updated : 2025-12-10 Read more