Sinita ko kaagad si Kyle nang nakaalis si Matthias. Halata sa mukha niya ang salitang victory lalo na at nakangisi siya sa akin nang sandaling iyon. "Bakit sinabi mo iyon sa kaniya? Hindi pa kita sinasagot ah," kastigo ko kay Kyle. "Kailangan kong gawin ang bagay na iyon dahil ayaw ko ng ideyang may iba pa akong karibal," sagot ni Kyle sa akin. "Isa pa, I claim you because you are mine. Mahirap nang malusutan ng isang asungot." Napahilot ako sa aking sentido, "Let me remind you na hindi ako isang bagay na puwede mong gawing pag-aari." "But we are giving our relationship a second chance," giit niya sa akin. "Oo nga, binibigyan natin ng pangalawang pagkakataon ang ating relasyon, pero hindi iyon nangangahulugang nagkabalikan na tayo," giit ko kay Kyle. "I mean, si Chiara ang dahilan kung bakit may koneksyon tayong muli." "Alam ko ang bagay na iyon," saad ni Kyle. "Kaya nga gagawin ko ang lahat para mahalin mo akong muli." Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko a
Last Updated : 2025-12-02 Read more