Share

Kabanata 3

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-08-19 11:14:21

Imbes na bumalik ako sa desk ko, mas pinili kong dumiretso sa restroom kesa pakinggan ang bulungan sa opisina.

Pagpasok ko sa banyo, mabilis akong lumapit sa sink. Hindi ko na napigilan. Umagos na lang bigla ang luha ko.

Hindi ko alam kung mas masakit ‘yung mga sinabi ni Tirso sa meeting, o ‘yung mga bulungan sa labas. Pareho silang mabigat. Pareho silang nakakababa ng pagkatao.

Hinawakan ko ang gilid ng sink, pinikit ang mga mata, at huminga ng malalim. “Kayanin mo, Irene. Please. Konting tibay pa,” bulong ko sa sarili.

Naramdaman kong bumukas ang pinto sa likod. Tatlong babae. 'Yung madalas na nagtsitsismisan sa pantry.

Dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cr.

“Grabe, no? Parang every week na lang palpak siya.”

“Baka nagpapapansin lang kay Tirso.”

“Kung ganun ka-kawawa ang performance, kahit pa magpaka-seductive siya, hindi siya papatulan ni Sir Tirso.”

Saka sila sabay-sabay na nagtawanan.

Napapikit ako at nakuyom ang kamao. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila kahit wala silang binanggit na pangalan, malinaw. Ako lang ang pinahiya sa meeting.

Umatras ako ng konti. Gusto ko sanang lumabas no'ng wala nang ingay ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto, napapikit ako nang bumuhos sa akin ang malamig na tubig mula sa taas—timba ng tubig.

“Oops! Sorry! Akala ko tapunan ng tubig,” sabi ng isa mula sa labas saka sila muling nagtawanan.

"Let's go, girls. Mukhang nahimasmasan naman siya."

Basang-basa ang blouse ko, ang slacks ko. Nanlamig ang buong katawan ko. Gusto ko silang sabunutan, sigawan, lumaban. Pero nanatili akong napako sa aking kinatatayuan.

Hindi dahil mahina ako, kundi dahil pagod na ako.

Tahimik akong nagpunas ng mukha gamit ang tissue at binuksan ko ang hand dryer. Pinilit kong patuyuin kahit kaunti ‘yung sleeves ko. Pero wala rin. Ang lamig pa rin.

Bumalik ako sa workstation ko na parang wala lang nangyari. Umupo ako, binuksan ulit ang laptop, at tinuloy ang report na pinapagawa ni Tirso kanina.

Habang nagta-type ako, nanginginig pa rin ang daliri ko. Hindi lang dahil sa lamig, kundi dahil sa hiya, sa inis, sa sama ng loob.

Ang mas masakit? Walang nakapansin. Parang invisible ako. Kahit ‘yung officemate ko na katabi ko, hindi man lang nagtaka bakit basa ako. Wala. Walang pakialam. Baka sawang-sawa na rin sila sa pagiging failure ko.

Pero hindi ako aalis. Hindi ako susuko.

Pasado alas otso na ng gabi. Ako na lang ang natira sa floor. Madilim na sa labas. Tahimik na ang buong office, maliban sa tunog ng keyboard ko.

“Almost done,” sabi ko habang inaayos ang format ng slides.

Bigla akong napahinto nang may boses mula sa intercom.

“Ms. Ang, office. Now.”

Boses 'yun ng boss ko, si Tirso.

Napakagat labi ako. Bitbit ang laptop ko, tumayo ako kahit nanginginig pa rin ako.

Habang naglalakad papunta sa opisina niya, pinunasan ko ulit ang basang part ng blouse ko. Hindi na siya ganon kabasa, pero ramdam ko pa rin ang lagkit.

Pagtapat sa harap ng pintuan ng office niya, huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses.

“Come in.”

Pumasok ako nang hindi tumitingin sa kanya, nakayuko, pinapakiramdaman ang paligid.

“Sit.”

Umupo ako sa harap niya. Hindi ko siya matingnan nang diretso.

“Can you explain this?” sabay pakita ng isa sa slides na pinasa ko no'ng mga nakaraang araw.

Naka-ilang revise na ako no'n pero parang hindi pa rin siya satisfied.

Napalunok ako. “That was from the revised file po. I added the projections for Q3... and—”

“Exactly. The projections are wrong.”

Natigilan ako.

“Sir, I rechecked the figures earlier—”

“Rechecked? Seriously?” Tinaasan niya ako ng boses, tila pigil na pigil. Alam ko inis na inis na naman siya sa akin.

Ramdam ko ang init ng pisngi ko sa kahihiyan na gusto na naman niyang ipamukha sa akin.

“Do you even understand what this account means for us? This is not just some school presentation, Irene. We're talking about multi-million peso clients here. This is real business. Real stakes.”

“I'm sorry po... I—”

“Stop saying sorry. That doesn't fix anything.” Tumayo siya, lumapit sa kinaroroonan ko habang nakababa ang tingin sa akin. “Why do you keep messing up? Ilang buwan ka na dito pero parang wala ka pa ring progress. Do you even want this job?”

I bit my tongue.

“Yes, Sir. I do.”

“Then act like one. I'm not paying you to just go around and mess things up or be the subject of office gossip. If you can’t handle pressure, there’s the door.”

Nanlumo ako sa sinabi niya, hindi makagalaw sa kinauupuan.

“Kakausap ko lang sa'yo, Irene. Pabalik-balik na lang ba tayo? I want improvements from you. Masipag ka, eh. Nakikita ko 'yon, pero bakit parang paurong ka?"

I looked at him. Straight to his eyes. Buong lakas ng loob ko, kahit nangingilid na ang luha.

“I’m doing my best. Maybe it’s not enough for you, but I’m trying. Hindi ko man ma-perfect lahat, at least hindi ko sinusukuan.”

Nanahimik siya sandali. Nakatitig lang. Walang reaksyon o emosyon na makikita sa mga mata niya.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Nanginginig pa rin, pinipilit na huwag umiyak.

He sighed, turned away, and got back to his seat.

“Just send the corrected deck before midnight. Redo all your work. Gusto kong isahan lang ang makikita ko. Ayoko nang paulit-ulit, Irene."

Tumango ako. Tumayo, at naglakad na palabas.

Ngunit nang isasara ko na ang pintuan, narinig ko ang huli niyang sinabi na nagpatigil sa akin sandali.

“Anong nangyari sa’yo?”

Imbes na sagutin, hindi na ako lumingon pa at tuluyan nang lumabas.

Wala akong pakialam kung mabastusan siya sa inakto ko o concerned siya sa akin, gusto ko nang matapos ang gabing 'to.

Habang naglalakad, mabilis kong pinalis ang luhang tumulo sa aking pisngi.

"Kaya ko pa, kakayanin..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 5

    Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na.Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal.Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi.So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko?Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba siya.Napati

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 4

    Pagbalik ko sa opisina niya, ramdam ko agad ang panibagong bigat sa dibdib. Ilang oras na akong nilalamig, pagod, at emotionally drained, pero eto na naman ako, bitbit ang laptop ko, hawak ang updated report, ibang files na pinapaayos niya, at pilit nilalakasan ang loob. Panaka-naka akong pumasok, pabilis nang pabilis ang tibôk ng puso. Nakaupo siya sa swivel chair niya, isang kamay nakapatong sa desk, hawak ang phone pero hindi nakatingin doon. Nakatitig siya sa akin. Matalim. Seryoso. Parang inaaral ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Napansin ko rin ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. “You didn't answer me when you left, Irene. Who did this to you?” tanong niya agad sa mabigat na boses. "I don't tolerate bullying. Speak up." “I— I just tripped, Sir.” I replied, barely above a whisper. Kahit ako, hindi ko makuhang maging matapang. "Nadapa." “Tripped?” Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa gilid ng mesa. “Basang-basa ka dahil nadapa ka? Saan? Sa swimming pool ba?

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 3

    Imbes na bumalik ako sa desk ko, mas pinili kong dumiretso sa restroom kesa pakinggan ang bulungan sa opisina. Pagpasok ko sa banyo, mabilis akong lumapit sa sink. Hindi ko na napigilan. Umagos na lang bigla ang luha ko. Hindi ko alam kung mas masakit ‘yung mga sinabi ni Tirso sa meeting, o ‘yung mga bulungan sa labas. Pareho silang mabigat. Pareho silang nakakababa ng pagkatao. Hinawakan ko ang gilid ng sink, pinikit ang mga mata, at huminga ng malalim. “Kayanin mo, Irene. Please. Konting tibay pa,” bulong ko sa sarili. Naramdaman kong bumukas ang pinto sa likod. Tatlong babae. 'Yung madalas na nagtsitsismisan sa pantry. Dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cr. “Grabe, no? Parang every week na lang palpak siya.” “Baka nagpapapansin lang kay Tirso.” “Kung ganun ka-kawawa ang performance, kahit pa magpaka-seductive siya, hindi siya papatulan ni Sir Tirso.” Saka sila sabay-sabay na nagtawanan. Napapikit ako at nakuyom ang kamao. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila kahit wala

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 2

    Pagdaan ko sa hallway pabalik sa desk ko, nakarinig ako ng bulungan. “Bakit ba siya palagi ang sinasama sa client pitch? Eh wala naman siyang alam." "Who knows 'di ba? Magaling naman si Pia, ewan ko rin ba kay Sir Tirso." “Grabe, hindi man lang niya na-defend ‘yung concept niya kanina. Cringe.” "Ako 'yong nahiya." I felt so small. Parang kahit anong effort kong magtrabaho araw-araw, palaging may mali na naghahatak sa akin paibaba. Tahimik akong nagpatuloy, hindi na lumingon pa, pilit kinukumbinsi ang sarili na wala lang 'yon. "Irene." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Marge, sekretarya ni Tirso na nakatayo sa may desk niya. "Ano 'yon?" “Pinapatawag ka ni Sir.” Awtomatikong naglakad ako papunta sa glass office ni Tirso. Dama ko na agad ‘yong tensyon kahit hindi pa ako nakakapasok. Kumatok ako ng tatlong beses dahil 'yon ang isa sa mga rules niya na kailangan sundin. “Come in.” Tahimik akong pumasok sa loob ng opisina niya, bitbit ang clipboard na dala k

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 1

    Maaga pa pero parang hapong-hapo na 'ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa hindi ko pag-kain ng almusal o dahil alam kong mapapasabak na naman ako sa isa sa mga client. Huminga ako ng malalim at napatingin kay Pia nang daanan niya ako. Kagagaling ko lang sa banyo dahil kanina pa ako ihing-ihi tapos nagpalit na rin ng damit para sa meeting mamaya. “Anong ginagawa mo dyan?" taas kilay na tanong ni Pia, seatmate ko sa creative team. Takang tumingin ako sa kanya. "Huh? Bakit?" “Nasa conference room na sila. Nagsimula na raw.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko, hindi na makapagsalita. Nang makabawi, halos magkanda dulas ako sa pagmamadali para kunin ang flash drive sa desk ko. Mabuti na lang talaga at tinapos ko agad ang caption para doon sa campaign ng kliyente kundi lagot na naman ako sa boss kong perfectionist. Hinagod ko muna ang mukha ko para bumwelo. This is it. Client presentation. At ang magpi-present? Ako lang naman. Masaklap, nahuli pa. Sermon talaga ang aabutin

  • Halinghing (SPG)   Simula

    IRENE'S POV May araw talaga na gusto mo na lang sukuan ang lahat. Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang orasan sa bedside table. "Late na naman ako,” bulong ko habang nagsusuot ng sapatos na hindi ko pa nalilinis simula no'ng nilusong ko 'to sa baha last week. I didn’t even have time to brush my hair properly, isang hilamos lang, konting pulbo, tapos ayun, binuhol ko na lang ang buhok ko sa likod, wala nang pakialam sa itsura. Wala akong oras para kumain. Kahit tubig, hindi ko na nainom. Basta na lang ako kumaripas palabas ng apartment na inuupahan ko sa ikatlong palapag. Naalala ko, ilang linggo na rin akong halos hindi nakakabayad ng renta. Si Manang Juliet sa kabilang pinto, panay ang tanong kung may balak pa ba akong bayaran. Sabi ko, “Next week po,” kahit alam kong wala namang darating na milagro sa susunod na linggo. Pero baka magkaroon ng himala at magpa-bonus ang boss namin pero imposibleng mangyari 'yon. Let’s not get ahead of ourselves. Nagmamadali ak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status