Pangiti-ngiti ako sa tabi nang nagpatuloy sa pagmamaneho si Renzo. Napapasulyap din ako lagi sa guwapo nyang mukha. Ngayon pa lang, nai-imagine ko na ang sarili ko bilang girlfriend nya. 'Yung sinabi nyang 'basta raw angkop sa edad ko, ibibigay at bibilhin nya para sa akin', susuwayin nya lang 'yan kapag nabaliw na sya sa akin. Baka nga, handa pa nyang waldasin lahat ng perang meron sya, ma-spoil lang ako. Ah, basta! Nai-imagine ko talaga kung ano sya kapag hulog na hulog na sya sa akin. And who knows, baka hindi pa ako umabot sa legal age, napaibig ko na sya. “What are you thinking?”“Hm?” Lingon ko sa kanya. Kunot ang noo nyang nakatingin sa akin. Umiling sya at natatawang binalik sa daan ang tingin. “Kanina ka pa nakangiti d'yan. I don't want to say this to my little sister, but you look stupid smiling like that all by yourself.”Napairap ako, saka sya inikutan ng mata. Mas lalo lang sya natawa nang makita ang reaksyon ko. Tsk. Stupid, stupid, pa syang nalalaman. Kung alam l
Last Updated : 2025-09-04 Read more