“Sasama ka lang naman sa'kin. You don’t even have to talk. Tatango ka lang kapag sasabihin ko sa kanya na nagbibiro ka lang naman nun,” pakiusap nya. Pagod na ang boses nya tungkol sa bagay na ito, pero sige pa rin sya nang sige. Kay aga-aga, nang-ba-badtrip. Nandito kami ngayon sa loob ng kanyang sasakyan. Ihahatid nya ako sa school dahil mag-i-enroll ako, pero wala. Ngayon pa lang, nasira na mood ko. Alas otso pa lang, ha. Hindi man lang hinintay na gumabi. “Bakit mo ba ako pinipilit?” Sinamaan ko sya ng tingin. “Ayaw ko nga, 'di ba? Renzo, mag-iisang buwan na, oh. Ano, 'yun pa rin issue nyong dalawa? If I were you, I’d stop wasting my time. She’s not worth it. Pare-parehas lang naman 'yung kiffy. Pili ka lang ng isa.”Nakakainis na talaga kakulitan nya. One month. Every day. Same issue. Same girl. Same headache. Paespesyal masyado ang Sab na 'yun!And yes, I was starting to get a little turned off by the fact that he was this whipped over her. Kung makaasta ang babaeng 'yun, aka
Last Updated : 2025-09-08 Read more