Ysabelle's POVHindi pala ganoon kadali ang maging nanay.Hindi pala sapat ang pagmamahal lang.Hindi pala sapat ang instinct.Hindi pala sapat ang “kaya ko ‘to.”Sa unang araw pa lang namin sa bahay, ramdam ko na agad ang bigat at ganda ng responsibilidad. Pagbukas ng pinto ng condo, sinalubong kami ng katahimikan. Walang monitor, walang nurse, walang hospital smell, walang structured routine. Wala nang schedule na nakapaskil sa dingding. Kami na lang. Ako. Si Evan. At ang baby namin.Parang biglang naging totoo ang lahat.“Okay,” bulong ko sa sarili ko habang hawak ang baby carrier. “This is it.”Si Evan ang unang pumasok, maingat, parang may dalang baso na madaling mabasag. “Welcome home, baby,” bulong niya sa anak namin. Napangiti siya, at doon tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung sa saya ba o sa takot. Siguro pareho.Unang gabi pa lang, parang may bagong mundo na biglang sumabog sa buhay ko. Umiiyak siya. Pinadede ko. Umiiyak pa rin. Binubuhat ko. Kinakantahan ko. Umiiyak pa ri
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-26 Mehr lesen