Pagbalik sa sasakyan, hindi maikaila ni Marco ang ngiti niya. “Ma’am, kung makikita lang kayo ni Sir Jarred ngayon, siguradong mahuhulog ulit siya.”Napatawa si Veronica. “Marco, huwag ka ngang bola.”“Hindi po bola ‘yon, ma’am,” sagot ni Marco, tumingin sa salamin. “Sir Jarred might be strong, but when it comes to you—soft spot niya kayo. Always has been.”Tahimik si Veronica. Hindi niya alam kung anong mararamdaman—kilig ba, o takot. Dahil sa harap ng mga kamera, ang kasal nilang kontrata ay magiging totoo sa mata ng mundo.Samantala, sa opisina ng Hearts Global Headquarters, naghahanda na ang buong media team. Nakahanda ang podium, ang backdrop na may logo ng kumpanya, at ang mga kamera mula sa iba’t ibang news outlet.Sa gilid ng stage, nakatayo si Jarred, suot ang dark navy suit, mahigpit ang pagkakahawak sa mga notes. Sa tabi niya si Madam Venus, kalmado ngunit may tindig ng isang reyna.“I invited everyone,” sabi ni Madam Venus, “para matapos na ang lahat ng bulung-bulungan.”T
Dernière mise à jour : 2025-11-03 Read More