Bumagsak ang gabi nang mabigat parang may masamang balak ang katahimikan.Tahimik ang parking area ng kompanya. Isa-isang namamatay ang ilaw sa mga palapag, hudyat na tapos na ang araw. Lumabas si Veronica, hawak ang bag sa balikat, pagod ngunit payapa ang mukha. Nasa isip niya si Jarred ang huling mensahe nito, ang pangakong uuwi siyang ligtas.Mag-iingat ka, iyon ang huli nitong sinabi.Huminga siya nang malalim habang naglalakad papunta sa sasakyan.Ngunit bago pa man niya marating ang pinto ng kotse, may kakaibang pakiramdam na gumapang sa kanyang dibdib isang instinct na matagal nang natutulog, biglang nagising.Parang… may nakatingin.Huminto siya.Lumingon siya sa kaliwa. Wala. Sa kanan mga anino lamang ng poste at mga sasakyang nakaparada. Tumawa siya nang mahina, pilit pinapakalma ang sarili.“Pagod lang ako,” mahina niyang bulong sa sarili.Huminga si Veronica nang malalim at muling humakbang. Ramdam niya ang bigat ng buong araw—ang trabaho, ang mga nangyari, ang pangungulila
最終更新日 : 2026-01-13 続きを読む