“Bakit mo pa ako tinatawag dito kung wala namang importante?”Tanong ko habang papasok sa private lounge ng penthouse office nina Adrian. Matagal na kaming hindi nagkakasama nang ganito, buwan na ang lumipas simula nang maging sobrang lamig ang lahat sa pagitan namin. Cold distance, walang usapan maliban sa kailangan lang para sa kompanya. Ngayon bigla siyang nagpadala ng message na kailangan daw naming mag-usap privately tungkol sa upcoming deal. Pero pagpasok ko pa lang, ramdam ko na agad ang hangin na parang may kuryente.Nakatayo si Adrian sa harap ng malaking glass window, nakatitig sa city lights ng Makati. Suot niya yung dark gray button down na medyo nakabukas ang unang dalawang butones, sleeves rolled up, exposing yung veins sa forearms niya. Mukha siyang pagod pero parang lalong nagiging dangerous ang appeal niya. Noong una, inisip ko na lang siyang arrogant jerk na ginamit lang ako para sa will ni Doña Beatriz. Ngayon... iba na ang tingin ko, pero ayaw kong aminin.He turne
Read more