"Ibigay niyo sa akin ang lahat ng documents para sa merging ng Asian routes... at siguraduhin niyo na bago matapos ang araw na ito ay wala nang pangalan ni Julian o kahit sinong kaalyado niya ang nakadikit sa kahit anong board seat ng Zubiri International."Inilapag ko ang tablet ko sa gitna ng lamesa habang nakatitig sa mga board members na dati ay hindi man lang tumitingin sa akin kapag nagsasalita ako. Ngayon... ang bawat isa sa kanila ay tila hindi makahinga sa tindi ng presensya ko. Wala na ang takot sa dibdib ko. Wala na ang pag-aalinlangan na baka nagkakamali ako. Ang bawat desisyon na ginagawa ko ay tila ba idinidikta ng dugong Zubiri na nananalaytay sa legasiyang iniwan ni Doña Beatriz. I was no longer just the nurse who married into the family... I was the one keeping the family from falling apart."Mrs. Zubiri... kailangan natin ng clearance mula sa legal department para sa ganyang kabilis na pagbalasa ng posisyon," lakas-loob na sabi ng isa sa mga matatandang investors...
Read more