Naging tahimik at sunod-sunuran si Elaina gaya ng payo sa kaniya ni Manang Erma. Mula sa kwarto ng mga kasambahay, maaga siyang gumigising araw-araw upang sundin ang lahat na mabibigat na iutos sa kaniya ni donya Octavia. Tinanggap niya ng paulit ulit ang masakit na mga pang aalipusta ni Donya Octavia sa kaniya.Tiniis niya ultimo ang pang-aapi ng mga utusan nitong sina Sonia at Doray. Sa kabila ng pamamaga ng kaniyang mga kamay at pagod na katawan, pinilit niyang gampanan ang kaniyang tungkulin. Ang tanging hawak niyang pag-asa ay ang pangako sa sarili na mababawi rin niya ang tiwala at pagmamahal ng asawang si Arkin.Isang gabi, nagkaroon ng pag asa si Elaina nang malaman niyang uuwi si Arkin mula sa matagal nitong pag-alis. Sa kabila ng panghihina,Lahat ginawa ni Elaina,palihim niyang nilinisan ang dayi nilang kwarto ng asawa. Nagluto rin si Elaina ng mga paboritong pagkain ng asawa, simpleng mga pagkain lamang iyon ,ngunit kabado si Elaina kaya naman kahit okay na sa panla
Huling Na-update : 2026-10-11 Magbasa pa