"Hndi ka pa ba kakain?" Tanong ni Manang Erma nang maabutan nito si Elaina sa dining area. Ilang oras na itong naghihintay kay Arkin, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanyang asawa. Pasado alas-onse na ng gabi. "Manang, hinihintay ko pa po kasi si Arkin eh," malungkot na saad ni Elaina. Kahit wala naman talagang kasiguraduhan kung uuwi ba ang kanyang asawa. Napansin niya nitong mga huling araw na gabing-gabi na ito kung umuwi, kung hindi naman ay nag-uumaga na. Kapag tinatanong niya, ang madalas na sagot ng kanyang asawa ay may tinatapos na trabaho sa opisina, di kaya ay may meeting at kailangang mag-overnight. Kung dati-rati ay nagagawa nito na tawagan siya upang kamustahin at paalalahanan, ngayon ay hindi na iyon magawa ng kanyang asawa. "Kumain ka na, baka mamaya pa dumating si Arkin. Magugutom ka niyan." Pagpupumilit na sabi ni Manang Erma. Maging ito man ay pansin ang tila pagbabago ni Arkin, lalo na sa pakikitungo nito kay Elaina. Madalas na itong walang oras sa asa
Last Updated : 2026-08-04 Read more