"PALPAK ang plano mo! Estupido!" bulyaw ni Hudson sa kaibigan, si Luke."Pasensya na, may dumating na asungot." Hindi niya pinansin ang pagbulyaw nito. Sanay na siya kay Hudson; mamaya'y mapapawi rin ang galit nito."Asungot?""One of her bodyguards. Masyado siyang malakas."Napatingin si Hudson sa sugat sa labi at kilay ni Luke. Walang duda, malakas ang kamao ng bodyguard dahil sa mga sugat nito."Mas malakas pa siya sa'yo, dahil kung hindi, hindi magagalusan ang guwapong mukha mo." Natatawang sabi ni Hudson."Muntik ko na siyang makuha. Ang init ng katawan niya, at ang bango niya'y naaamoy ko pa rin." Suminghot-singhot ito, humithit ng sigarilyo, at ibinuga ang usok."Luke, hindi ko sinabing pagnasaan mo si Cassandra. Kaya ka nga pumapalpak, wala sa hulog ang mga plano mo!" Singhal ni Hudson. Kinuha ang sigarilyo sa bibig nito, pinatay, at dinikdik sa ashtray."Matagal ko na siyang pinagpapantasyahan.""Hindi dapat. Childhood sweetheart siya ni Aries."Seryoso na ang mukha ni Hudson
Last Updated : 2025-09-06 Read more