THIRD PERSON:Pagkarating nila sa harap ng bahay ni Mang Alberto. Maingat na kinatok ni Dominic ang pintuan, at sandaling tumahimik bago ito bumukas. Sa una, halatang nagulat si Mang Alberto, nagtataka sa hitsura ni Dominic at nang mapansin si Mira. At nang makita si Mira ni Mang Alberto sa tabi ni Dominic at unti-unti niyang nakilala ang dalaga.“Ay… Ineng, ikaw pala iyan!” tuwa ni Mang Alberto nang makilala si Mira at agad na lumapit ito sa kanya.“Magandang hapon po, tatay." bati ni Mira, mahinahon ngunit may ngiting punong-kahulugan ng kabutihang-loob.“Naku, tuloy kayo. Pasensya na ha, maliit lamang ang bahay namin,”“Ayos lang po iyon,” sagot ni Mira, mahinahon ngunit halatang magaan sa pakikitungo sa ibang tao.Napansin ito ni Dominic, at bahagya siyang napangiti 'Talaga ang laki na ng pinagbago niya' sa isip naman ni Dominic.Tuloy na pumasok silang dalawa, at agad nilang napansin ang bata na nakahiga sa may sopa, at may maliit na panyo nakapatong sa may noo. Napatingin si Mir
Read more