MIRA POV:Pagkababa namin mula sa runway, agad kaming sinalubong ng ilang panauhin.Mga taong halatang sanay sa ganitong klase ng okasyon, mga kilala, may pangalan, at may impluwensya sa mundo ng fashion.“Magnificent, Mr. Adrian!”“Another masterpiece!”Isa-isa silang lumapit, nakikipagkamay at bahagyang nagbe-beso kay Mr. Adrian.Ngunit hindi ko inaasahan na pati ako ay babatiin din nila.“You must be the muse,” nakangiting sabi ng isang eleganteng babae habang marahang hinahawakan ang tela ng suot kong gown. “You’re absolutely stunning… the dress suits you perfectly. You carry it with such grace, it’s as if it was made just for you.”“Tama siya,” sambit naman ng isa pang babae, halata ang paghanga sa kanyang mga mata. “Napakaganda mo, hija. Parang ikaw talaga ang nagbigay-buhay sa damit na ’yan. Saan mo ba nakuha ang model mo, Mr. Adrian? I like her.”“This piece is absolutely divine,” komento ng isa pa habang pinagmamasdan ang kabuuan ng gown.“Look at the detailing… the structure
Read more