THIRD PERSON:Mula sa dulo ng hallway, namataan ni Mira sina Aling Carmen at Aling Marlyn na naglalakad habang nag-uusap. Agad siyang napangiti at mabilis na lumapit sa dalawa.“Inay!” masigla niyang tawag.Ngunit nang makalapit siya at masilayan ang mukha ng kanyang ina, agad napawi ang ngiti sa kanyang labi. Hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito, namumugto at tila kakaiyak lamang.“Bakit, Inay? May problema po ba?” kunot-noong tanong niya, halata ang pag-aalala sa tinig.Mabilis namang ngumiti si Aling Carmen, kahit halata na pilit lang ang ngiti.“Naku, wala ‘yon, anak,” sabi niya, sabay mahinang tawa. “Na-miss lang kita. Hindi kita katabi matulog kagabi, eh.”Habang sinasabi iyon, saglit itong napatingin kay Aling Marlyn, isang tinging may kung anong babala, na para bang may hindi dapat mabanggit.Hindi na iyon pinansin ni Mira. Sa halip ginatungan na lang din ang biro ng kanyang ina, at mas lumapit pa siya at yumakap sa braso ng kanyang ina.“Naku, ang Inay talaga… isang gab
Terakhir Diperbarui : 2026-02-23 Baca selengkapnya