THIRD PERSON: Mula roon, tanaw ang buong lungsod, kumikislap ang mga ilaw na parang bituin na bumaba sa lupa. Marahang humakbang si Mira palapit sa railing, habang ang malamig na hangin ay humahaplos sa kanyang mukha at belo. Maya-maya, naramdaman niya ang mga braso ni Dominic na marahang yumakap sa kanya mula sa likuran. “Happy, my wife?” bulong ni Dominic sa kanyang tainga. Napahawak si Mira sa mga braso nito, bahagyang ngumiti habang nakatanaw sa city lights. “Sobra…” mahina niyang sagot. “Ang ganda talaga nilang pagmasdan, ‘no?” sabi ni Mira habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa ibaba. Ngumiti si Dominic habang nakasubsob ang baba malapit sa balikat niya. “Mas maganda ka diyan.” “Uy, ikaw talaga…” natatawang sagot ni Mira habang bahagyang umiiling. “Puro ka pambobola.” Mahinang natawa si Dominic bago mas hinigpitan ang yakap sa kanya. “Hindi ‘yon bola,” seryoso niyang sabi. “Katotohanan ‘yon.” Sandaling katahimikan. Tanging hangin at mga ilaw ng lungsod ang nakapaligid
Read more