THIRD PERSON:Sa loob ng buong hotel ay tila sumabog ang malakas na alon ng kaba, excitement, at matinding taranta. Dahil bukas na bukas na ang kasal nina Dominic at Mira, ang pinaka-inaabangang okasyon na kailangang maging perpekto sa bawat detalye.At dahil sa engrandeng okasyong iyon, mas lalo pang nagdagsaan ang mga VVIP guests, malalaking negosyante, kilalang personalidad, at iba’t ibang taong may matataas na koneksyon mula sa iba’t ibang bansa. Halos mapuno ang buong hotel ng mga banyagang delegado, bodyguards, assistants, at mamahaling sasakyang sunod-sunod na dumarating sa entrada.Kaya naman doble ang tensyon ng lahat ng empleyado. Bawat kilos ay kailangang maayos, bawat utos ay kailangang masunod agad, at kahit pinakamaliit na pagkakamali ay hindi puwedeng mangyari. Para sa kanila, hindi lang ito basta kasal, isa itong engrandeng okasyong pag-uusapan ng maraming tao.“Bilisan n’yo! Bilisan n’yo!” sigaw ni Felix habang tumatakbo sa corridor na may hawak na checklist. “Hindi i
Read more