THIRD PERSON:“Naku! Yung pamangkin mo, Aling Marlyn… naka-quota kagabi!” bungad ni Joy, halos malaglag pa sa upuan sa sobrang gigil ikwento.Napakunot ang noo ng matanda. “Ha? Quota? Naka-ilang kwarto ba siya? Sabagay sa bilis kumilos ng batang ‘yon, aba, natural lang na matapos niya quota.”Napahagalpak si Joy, halos mapahampas sa mesa. “HAHAHA! Ay naku, hindi po quota sa trabaho ang ibig kong sabihin!” Napapailing pa siya sa tuwa. “Quota sa kilig! Grabe, muntik na siyang madisgrasya kagabi tapos… ayyy, Diyos ko, may sumalo sa kanya!”“Ano raw?!” nanlaki ang mata ni Aling Marlyn, hindi makapaniwala. “Disgrasya? Ikaw na bata ka, ayusin mo nga ang kwento mo. Huwag mo akong binibitin-bitin, ah!” Akmang hahampasin pa sana niya si Joy sa braso.Napahagikhik si Joy, halos matumba sa kakatawa. “Sorry, sorry na po! Eto kasi iyon… May pinagagawa pa sa amin si Sir Julius—pinaglinis kami sa opisina ni Sir Dominic. Tapos ayun, itong si Mira, nagpalit ng kurtina. Ang ginamit niyang tuntungan, upu
Last Updated : 2025-09-20 Read more