Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER EIGHTEEN

Share

CHAPTER EIGHTEEN

last update Last Updated: 2025-09-19 20:14:57

DOMINIC POV:

Nag-aabalang-abalahang nakatitig ako sa laptop ko, kunwari’y abala sa pagbabasa ng kung anong report. Pero sa gilid ng paningin ko, doon agad dumadapo ang tingin ko—kay Mira. Tahimik lang siya, parang wala lang talagang nangyari kanina. Busy ito sa pagtulong sa kasama niya na nag-aayos ng mga papeles sa cabinet.

Parang… wala lang ba talaga sa kanya yung eksena kanina? O baka naman sadyang mahiyain lang siya at ayaw ipahalata sa akin?

Napailing ako. Tsk. Bakit ko pa iniisip ‘yon? Ang dami kong trabaho pero eto ako, nagmamasid sa kanya na parang… ewan.

Hanggang sa matapos na nga sila.

“Sir, tapos na po kami,” narinig kong sabi niya, diretso at walang halong lambing, sabay yuko pa rin gaya ng dati.

Napahinto ako. “Huh?... Ehem… sige…” sagot ko na parang wala sa sarili.

Anong huh? Anong ehem?

Tekab’t parang naputol ang hininga ko. Bakit ako nauutal? Wala naman akong ginagawang mali.

Pinilit kong ayusin ang upo ko at magpaka-professional, pero sa loob-loob ko—hindi ko mapigila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-SEVEN

    THIRD PERSON:“Hi, ladies!” charming pang bati ni Felix.Nagulat ang tatlo, sina Joy, Marites, at Lisa. Pero ilang segundo lang, napalitan iyon ng kilig at pigil na tawa. Si Mira naman ay ngumiti lang, natural na ekspresyon, na para bang sanay na siyang makihalubilo lalo na kila Dominic at Felix.“Makikisalo sana kami ni Sir Dominic, okay lang ba?” tanong ni Felix, sabay tingin kay Mira. “Okay lang ba, Mira?”“O-okay lang po, Sir Felix,” nakangiting sagot ni Mira.Sa una nakiramdam pa si Dominic kung meron pag iilang kay Mira na naroon silang dalawa ni Felix ngunit napapansin niya sa dalaga ay natural lamang, simpleng ngiti na signature na talaga ni MIra.Walang bakas ng pagkailang.Para bang siya lang talaga ang kinakabahan.Kaya kahit papaano, nakahinga siya nang maluwag. Mas kabado pa siya kay Mira kaysa sa mismong sitwasyon, at alam na alam iyon ni Felix, kaya palihim itong napapangiti sa gilid, aliw na aliw sa reaksyon ng boss niya.“Ito, girls,” dagdag pa ni Felix habang inilala

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-SIX

    THIRD PERSON:Hindi pa rin naibibigay ni Mira ang mga natitirang souvenir na nakalaan para kina Dominic at Felix. Balak niya na lamang itong ibigay kapag may tyempong magkasalubong sila, iyong walang ibang kasamang makakakita, walang atensyon ng iba.Sa loob-loob niya, may pag aalinlangan pa siya lalo na't alam niya sanay ang mga ito sa mga mamahaling gamit. "Paano kung hindi nila tanggapin? Hindi nila magustuhan?" iyon ang paulit ulit na naririrnig niya sa kanyang isipan.Ngunit higit pa roon ang paniniwala niya, may kahulugan ang mga munting regalong iyon na hindi na niya kailangang ipaliwanag pa sa kanila. Sapat na sa kanya na makita niyang suot o ginagamit nila iyon kahit minsan lamang. Doon pa lang, sapat na. Doon na mismo nakaukit ang tahimik niyang pasasalamat para sa kabutihang ipinakita nila sa kanya, para sa pag-unawa, para sa pag-aalaga na hindi niya kailanman inasahan.Malapit na ang break time kaya dali-dali siyang nagtungo sa staff room upang kunin ang iba pang souvenir.

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-FIVE

    MIRA POV:Habang papalapit na ako sa hotel ramdam ko na ang kakaibang hangin na sumasalubong sa akin. Para bang nagpapasikip sa dibdib ko. Hanggang sa pagpasok ko, hindi ko na maiwasang mapansin ang mga matang agad na napapatingin sa akin. May ilan na mabilis umiwas, may ilan na nagbubulung-bulungan, at may ilan ding halatang naguguluhan kung paano ako babatiin.Alam ko kung tungkol saan iyon.Alam ko na tungkol iyon sa nangyari sa amin ni Ma'am Monica, at sa kung anong kumalat sa loob ng hotel.At ito na naman ang pakiramdam ko. Nahihiya at higit sa lahat may kunting ilang pa.Ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko, kinabahan na naman.Pero sa kabila ng lahat ng iyon, mas pinili kong huminga nang malalim at magpatuloy sa paglalakad. Mas pinanaig ko ang isang bagay, ang maging totoo sa sarili ko.Ayoko nang tumakbo, ayoko ng umiwas pa, o sanayin pang mag isa lagi.At ayoko na ng ganitong pakiramdam.Gusto ko nang baguhin ang kondisyon ko. Kailangan ko iyon. Ang mga ganitong atensyo

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-FOUR

    MIRA POV:Hindi ko alam kung kailan nagsimula. O kung paano ko napapansin.Pero may kakaibang hangin akong nararamdaman sa tuwing katabi ko ang isa sa kanilang dalawa.Si Sir Dominic, na parang biglang umiiba ang aura sa tuwing lumalapit si Sir Cyrus sa akin. Tahimik lang siya, pero ramdam kong meron kung anong bigat ang tingin niya kay Sir Cyrus, may higpit ang tindig niya, na para bang may gusto siyang gawin o sabihin pero pinipigilan niya.At si Sir Cyrus naman, palaging may ngiti, palaging magaan ang kinikilos, parang walang pakialam sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ni Sir Dominic. Na para bang sadya niyang hinahamon ang katahimikan ni Sir Dominic.Minsan, ako na lang ang dumidistansya.Nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing ganon na ang mga eksena naming tatlo dahil hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.Na para bang may labanan silang dalawa na hindi ko alam ang umpisa.At ayokong maging dahilan.Hanggang sa matapos ang buong araw at oras

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-THREE

    DOMINIC POV:Para hindi tuluyang masira ang bonding date nilang tatlo, hindi na sineryoso pa ni Mom ang nangyari at hindi na rin nagtanong pa kay Cyrus. Tinuloy na lamang nila ni Aling Carmen ang pamimili, na para bang walang katapusan ang mga boutique na pinapasok nila. Samantala, ako—seryoso ang mukha, pero ang totoo, naka-full alert mode ako.Bantay-salakay.Naka bantay kay Mira.Lalo na bantay sa kulugong ’yon na si Cyrus.Para bang sinasadya talaga ng pinsan kong ’to na dumikit-dikit kay Mira sa tuwing may pagkakataon. Kapag napapagitna kami ni Mira, boom bigla na lang siyang sisingit. Kapag may hawak si Mira na paper bag, he grab it' siya na raw ang magdadala.Excuse me?Ako dapat ’yon.Hindi ba’t sabi ni Felix pogi points ’yon?Eh paano ako makakapuntos kung may kutong lupa na sumasalo ng lahat ng pagkakataon?Halos puputok na ata ang ugat sa leeg ko tuwing makikita ko ang mukha ni Cyrus, ’yong tipong ngiti na para bang sinasabi na “Oh, naka-score ako.”Ganito pala talaga mara

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Hindi siya basta nakamasid lamang. Nakaalerto ang mga mata niya, para bang naghihintay ng kahit anong senyales na may kakaiba o hindi komportableng mangyari kay Mira. Sa una, akma na sana siyang lalapit, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kusang huminto ang mga paa niya.'Hayaan mo muna siya.'Binibigyan niya si Mira ng pagkakataong mag-isa. Isang tahimik na pagsubok sa sarili niya kung kaya ba ng dalaga ang ganitong lugar nang mag-isa, nang walang kasama.Ilang minuto ang lumipas.Bahagyang napatingkad ang tingin ni Dominic nang makita niyang napapitlag si Mira nang may isang staff na lumapit sa dalaga. Hindi niya inalis ang mga mata rito, sinusukat ang bawat kilos, bawat reaksyon. Handa siyang pumasok anumang oras.Ngunit ngumiti lamang si Mira.Ngiting magaan at natural. Doon lang nakahugot ng mahabang hininga si Dominic, isang hiningang hindi niya namalayang kanina pa niya pinipigilan.Hanggang sa makapili na nga si Mira at papalabas na ito ng store. Akma na sanang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status