THIRD PERSON:Maagang kumatok si Felix sa pintuan ng executive suite, dala-dala ang clipboard, cellphone, at halatang kulang din sa tulog — may eyebags pa nga.“Sir Dominic! Naku, parang napasarap pa ata ang tul—”Hindi pa man siya natatapos, kusa nang bumukas ang pinto at bumungad ang gwapong mukha ni Dominic — pero halatang bagong gising. Magulo ang buhok nito, naka-gray shirt lang at pajama, at may hawak pang cellphone. Kahit disheveled, may dating pa rin.“Ah…” halos matawa si Felix pero pinigilan niya. “Sir, kayo rin po yata, di rin nakatulog ng maayos ano?” biro niya sabay kindat.Tumalikod si Dominic, diretso sa minibar. “Pagkakaalam ko, eleven pa magsisimula ang event,” malamig nitong sabi habang nagbubuhos ng tubig sa baso. "5:20 am"“Anong ginagawa mo rito nang ganito ka-aga, Felix?”Napalunok si Felix, sabay tikhim. “Ahmm… Sir, kasi po—”“’Di bale. Timplahan mo na lang ako ng kape.”“Right away po, Sir!” mabilis nitong sagot at halos matapilok sa pagmamadali.Habang nagkakap
Last Updated : 2025-11-12 Read more