THIRD PERSON:Nasa tapat pa lang ng opisina ni Dominic si Felix, nakatayo at tila ramdam na agad ang bigat ng atmospera sa loob. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.“Sir?” maingat niyang tawag, bahagyang sumilip muna bago tuluyang pumasok. Muling sumalubong sa kanya ang pamilyar na tunog ng ballpen na marahang naglalagitik sa ibabaw ng mesa — senyales na muling abala si Dominic sa pag-iisip.At sa gitna nga ng mesa, nakaupo si Dominic, nakayuko, walang emosyon — pero ang kamay ay paulit-ulit na tinutuktok ang dulo ng ballpen sa lamesa. Tuk. Tuk. Tuk.Parang bawat tuktok ay may kasamang stress, inis, at pagkalito.“Okay lang po ba kayo?” tanong nito, halatang nag-aalangan dahil sa hitsura ni Dominic — magulo ang buhok, may eyebags, at parang hindi natulog buong gabi.Dahan-dahang tumingin si Dominic sa kanya, malamig, diretsong tingin.“Sa tingin mo, Felix… okay lang ba ako?”Napalunok si Felix.“Uh… sa hitsura n’yo po ngayon, parang hindi?” mahina niyang sagot, sabay pilit na tawa.
Last Updated : 2025-10-27 Read more