Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER SEVENTEEN

Share

CHAPTER SEVENTEEN

last update Huling Na-update: 2025-09-19 19:13:05

DOMINIC POV:

Pagkapasok ko sa opisina, agad kong nadatnan ang dalawang staff na abala. Ang isa, seryosong naglilinis ng mesa, halatang hindi tatantanan ang kahit isang butil ng alikabok. Ang isa naman, nakatuntong pa sa upuan, pilit inaabot ang dulo ng kurtina.

Napakislot ang kilay ko habang pinagmamasdan siya.

"At nakatuntong sa swivel chair pa talaga ha" sa isip ko, para bang nakikita ko na agad ang susunod na mangyayari—at hindi maganda.

Napakunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Delikado ang ginagawa niya, pero mukha pa ring itong pursigido.

Habang nakatitig ako, hindi ko namalayang humagod ang tingin ko mula ulo niya pababa. Dahan-dahan. Wari bang ang mga mata ko ay may sariling isip. At bago pa ako makapagsalita para pagalitan siya, napansin ko ang maputi at makinis niyang balat sa binti, bahagyang nakaangat dahil sa pilit niyang pag-abot sa kurtina.

Mula sa kinatatayuan ko, agad kong napansin ang pag-ikot ng gulong ng upuan. Delikado ‘to, bulong ko sa sarili. At bago ko pa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-FIVE

    MIRA POV:Habang papalapit na ako sa hotel ramdam ko na ang kakaibang hangin na sumasalubong sa akin. Para bang nagpapasikip sa dibdib ko. Hanggang sa pagpasok ko, hindi ko na maiwasang mapansin ang mga matang agad na napapatingin sa akin. May ilan na mabilis umiwas, may ilan na nagbubulung-bulungan, at may ilan ding halatang naguguluhan kung paano ako babatiin.Alam ko kung tungkol saan iyon.Alam ko na tungkol iyon sa nangyari sa amin ni Ma'am Monica, at sa kung anong kumalat sa loob ng hotel.At ito na naman ang pakiramdam ko. Nahihiya at higit sa lahat may kunting ilang pa.Ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko, kinabahan na naman.Pero sa kabila ng lahat ng iyon, mas pinili kong huminga nang malalim at magpatuloy sa paglalakad. Mas pinanaig ko ang isang bagay, ang maging totoo sa sarili ko.Ayoko nang tumakbo, ayoko ng umiwas pa, o sanayin pang mag isa lagi.At ayoko na ng ganitong pakiramdam.Gusto ko nang baguhin ang kondisyon ko. Kailangan ko iyon. Ang mga ganitong atensyo

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-FOUR

    MIRA POV:Hindi ko alam kung kailan nagsimula. O kung paano ko napapansin.Pero may kakaibang hangin akong nararamdaman sa tuwing katabi ko ang isa sa kanilang dalawa.Si Sir Dominic, na parang biglang umiiba ang aura sa tuwing lumalapit si Sir Cyrus sa akin. Tahimik lang siya, pero ramdam kong meron kung anong bigat ang tingin niya kay Sir Cyrus, may higpit ang tindig niya, na para bang may gusto siyang gawin o sabihin pero pinipigilan niya.At si Sir Cyrus naman, palaging may ngiti, palaging magaan ang kinikilos, parang walang pakialam sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ni Sir Dominic. Na para bang sadya niyang hinahamon ang katahimikan ni Sir Dominic.Minsan, ako na lang ang dumidistansya.Nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing ganon na ang mga eksena naming tatlo dahil hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.Na para bang may labanan silang dalawa na hindi ko alam ang umpisa.At ayokong maging dahilan.Hanggang sa matapos ang buong araw at oras

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-THREE

    DOMINIC POV:Para hindi tuluyang masira ang bonding date nilang tatlo, hindi na sineryoso pa ni Mom ang nangyari at hindi na rin nagtanong pa kay Cyrus. Tinuloy na lamang nila ni Aling Carmen ang pamimili, na para bang walang katapusan ang mga boutique na pinapasok nila. Samantala, ako—seryoso ang mukha, pero ang totoo, naka-full alert mode ako.Bantay-salakay.Naka bantay kay Mira.Lalo na bantay sa kulugong ’yon na si Cyrus.Para bang sinasadya talaga ng pinsan kong ’to na dumikit-dikit kay Mira sa tuwing may pagkakataon. Kapag napapagitna kami ni Mira, boom bigla na lang siyang sisingit. Kapag may hawak si Mira na paper bag, he grab it' siya na raw ang magdadala.Excuse me?Ako dapat ’yon.Hindi ba’t sabi ni Felix pogi points ’yon?Eh paano ako makakapuntos kung may kutong lupa na sumasalo ng lahat ng pagkakataon?Halos puputok na ata ang ugat sa leeg ko tuwing makikita ko ang mukha ni Cyrus, ’yong tipong ngiti na para bang sinasabi na “Oh, naka-score ako.”Ganito pala talaga mara

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Hindi siya basta nakamasid lamang. Nakaalerto ang mga mata niya, para bang naghihintay ng kahit anong senyales na may kakaiba o hindi komportableng mangyari kay Mira. Sa una, akma na sana siyang lalapit, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kusang huminto ang mga paa niya.'Hayaan mo muna siya.'Binibigyan niya si Mira ng pagkakataong mag-isa. Isang tahimik na pagsubok sa sarili niya kung kaya ba ng dalaga ang ganitong lugar nang mag-isa, nang walang kasama.Ilang minuto ang lumipas.Bahagyang napatingkad ang tingin ni Dominic nang makita niyang napapitlag si Mira nang may isang staff na lumapit sa dalaga. Hindi niya inalis ang mga mata rito, sinusukat ang bawat kilos, bawat reaksyon. Handa siyang pumasok anumang oras.Ngunit ngumiti lamang si Mira.Ngiting magaan at natural. Doon lang nakahugot ng mahabang hininga si Dominic, isang hiningang hindi niya namalayang kanina pa niya pinipigilan.Hanggang sa makapili na nga si Mira at papalabas na ito ng store. Akma na sanang l

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-ONE

    DOMINIC POV:Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi.Kung paano ako tumitig lang sa kanya, kung paano malinaw na malinaw sa dibdib ko ang gusto kong sabihin…pero biglang nagkasundo ang bibig at boses ko na manahimik.Sa hangin ko tuloy inamin ang nararamdaman ko.Napahawak ako sa noo at mariing ipinikit ang mga mata."Damn this feeling!!""Torpe. Kaiinis!"Parang lalong sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis.“Ahm… sir?”Napadilat ako at masamang tumingin sa pumasok.Si Felix.“What?!” halos maputol ang pasensya kong sagot.“Uhm… tungkol po sa parents ni Monica,” maingat na sabi nito. “Nag-check out na po sila kaninang umaga. Tumawag na lang po sila sa mommy niyo para magpaalam.”Bahagya lang akong tumango. "Buti naman kung ganon." Ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop, nagkunwari na lang akong abala sa trabaho.Pero hindi pa rin umaalis ang kumag.“Si Monica naman po ay hindi pa rin umaalis.”“Hayaan mo lang siya, ume-stay.”“Pero, pagkakaalam ko po, sir, pinag

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY

    THIRD PERSON:Hindi nga pumasok si Mira sa hotel dahil tinuloy nga ni Doña Celestine ang balak nitong mag all-around shopping kasama siya at higit sa lahat, kasama rin nila ang kanyang ina, si Aling Carmen.Sa una pa lamang, hindi na mapigilan ni Mira ang kabog ng dibdib. Hindi kabog na hindi kaba, kundi isang kakaibang uri ng saya na matagal na niyang hindi pa naramdaman. Isang damdaming kailangan niyang itago, dahil sa sandaling pakawalan niya ito, kasabay nitong guguho ang kanyang mga luha.Unang beses niyang makita ang kanyang ina na pumapasok sa mga mamahaling boutique.Unang beses niyang makita ang mga mata nitong kumikislap habang hinahaplos ang tela ng isang damit, na para bang bata na nakatagpo ng laruan.May kaunting hiya si Mira, oo.Alam niyang kung hindi dahil kay Doña Celestine, hindi sila naroroon.Hindi nila basta kayang pumasok sa mga ganong store.Ngunit sa tuwing lilingon siya sa kanyang ina, sa tuwing makikita niya ang malapad na ngiti ni Aling Carmen, napapawi ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status