Chapter 11 Austin’s POV Nasa guest room ako ng bahay ng pinsan ko. Tahimik ang buong paligid. Hatinggabi na, pero hindi ako dinadalaw ng antok. Paulit-ulit na akong nagpalit ng puwesto, bumaligtad sa kanan, sa kaliwa, pumikit nang mariin, wala pa rin… Ang tanging nararamdaman ko, unti-unting pagsakit ng mga mata ko, mahapdi na pero dilat pa rin ako. Daig ko pa ata ang lumaklak ng limang tasang kape sa buong maghapon. Ramdam ko na rin ang pagod, mula sa biyahe patungo rito. Pero kahit anong gawin ko, isa lang ang laman ng isip ko. Si Faith. Si Faith… ang babaeng minsang bahagi ng kahapon ko… Ang babaeng mahal ko mula noon hanggang ngayon.Sa pitong taon naming pagkakalayo, ni minsan hindi ako sumubok na magmahal ng iba, kahit pa bigla na lamang siyang nawala sa hindi malamang kadahilanan. Iyun ang mga kailangan kong malaman. Ngayon, mas lalo siyang gumanda, hindi lang sa anyo, kundi sa aura niyang tila ba may panibagong lalim. Hindi na siya ‘yung Faith na disiotso lang, ‘yung inosent
Dernière mise à jour : 2025-09-14 Read More