PAGPASOK ni Jude sa flower shop ay nilibot agad ng paningin niya ang buong paligid. Napakamot siya sa ilong ng biglang mangati dahil sa amoy ng mga bulaklak.Ang florist sa hindi kalayuan ay agad na tinigil ang ginagawang pag-arrange ng mga bulaklak saka lumapit. "Good day, Sir. Anong hanap natin?""Meron kayong Lilies?" tanong ni Jude na palinga-linga pa rin sa paligid."Ay, sorry, Sir. Pero naubos na po... Kung gusto niyo, may rose po kami saka daisy."Napakurap-kurap ng mata si Jude, nag-iisip na maghanap sa iba nang magsalita pa muli ang babae, "Para po ba sa girlfriend niyo, Sir? May tulips po kami, ba't 'di niyo tingnan at baka magustuhan niyo?"Tumalikod si Jude sabay check ng oras sa suot na relo, malayo pa siya sa condo ni Caitlyn at baka matagalan pa siya kung maghahanap pa ng Lilies sa ibang shop. Hinarap niyang muli ang florist. "Okay, 'yung tulips na lang."Ngumiti ang babae saka dali-daling hinanda ang bulaklak, inayos ng maganda at pagkatapos ay binigay kay Jude. "Panig
Read more