NANGINGINIG sa takot si Amara, ilang oras siyang na-trap sa silang restroom ng school. Kahit anong gawin ay hindi siya makalabas at makailang ulit na rin sumigaw, umaasang may makarinig sa kanya pero wala hanggang sa napagod na lang siya.Akala niya ay wala nang pag-asa nang marinig niya ang boses ni Matthew sa labas. Nabuhayan siya kaya nang tuluyang mabuksan ang p***o ay hindi na niya napigilang mayakap ito.Ang hindi lang niya inaasahan ay may iba pa palang tao sa paligid. Naroon din ang kaibigan ni Lizel na kasama sa mga nagkulong sa kanya. Napalitan ng galit ang takot na nararamdaman, mabilis niyang naikubli ang emosyon bago pa man nito mapansin.Napaluhod siya at nagsimulang umarte, kunwari ay nasasaktan."Anong nangyari, may masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Matthew."Na-sprained ko ata ang paa ko kanina, Sir. Naghahanap kasi ako ng malalabasan kanina tapos namali ng tapak."Gusto sanang tingnan ni Matthew ang paa nito, ngunit dahil maraming tao sa lugar ay nagdalawang-isip si
Last Updated : 2026-11-01 Read more