HINILA ni Amara ang buhok ng kaibigan matapos siyang dalhin sa beach bar. "Akala ko ba, pasyal-pasyal lang tayo?""Aray ko naman," reklamo ni Shaina sabay hila rin sa buhok nito bilang ganti. "Malamang, 'pag sinabi kong sa bar tayo 'di ka sasama. Kaya tara na.""Ayoko nga, uuwi na 'ko.""Uy, bakla. Tulungan mo nga 'ko rito," ani Shaina, hawak sa braso si Amara. "Ikaw sa isa para mabitbit natin 'tong babaeng 'to."Pinandilatan niya nang mata si Jonathan o Jona for short. Ang isa niya pang kaibigan na binabae. "Sige, hahalikan kita!" banta niya.Agad lumayo si Jonathan sa takot. "Yuck.""Hawakan mo sabi sa kabila, ako hahalik sa'yo!" babala ni Shaina.Walang nagawa si Jonathan dahil sa dalawa niyang kaibigan, mas nakakatakot si Shaina. Kapag nagbanta, talagang tinutotoo nito.Kaya ang ending, parehong hawak ng dalawa ang magkabilang braso ni Amara. Dadalhin nila ang kaibigan sa beach bar para mag-enjoy naman."Dalawang araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo. 'Kala ko ba, masyado tayong mag
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-19 อ่านเพิ่มเติม