HALATA ang frustration sa mukha ni Marcus matapos marinig ang ulat ng tauhan. Akmang uutusan ito nang bumukas ang pinto ng kwarto.Lumabas si Caitlyn na may bitbit na bag, nakabihis at mukhang handa nang umalis. "Ang bilis mong nakabalik," puna ng dalaga.Mabilis itong nilapitan ni Marcus at sinabihan, "May mga sasakyan sa labas. Sa tingin ko'y tauhan ni Diego, bumalik para magmasid.""A-Ano?" Napatingin si Caitlyn sa bintana kahit wala naman siyang makikita mula roon. "Hindi naman siguro tayo lulusubin dito, tama?"Natahimik si Marcus, hindi masagot ang tanong dahil maging siya ay hindi tiyak. Hanggang sa muli niyang mapansin ang dala nitong bag kaya kinuha niya. "Hindi nila pwedeng mahalata na paalis din tayo. Kaya iiwan mo 'to at walang ibang dadalhin na gamit kundi cellphone at passport lang.Naguluhan si Caitlyn. "Pero—""Ako nang bahala pagdating natin sa Mexico," ani Marcus. "Sige na, magpalit ka na." Saka niya ito marahang tinulak papasok sa silid.Mayamaya pa ay lumabas na si
閱讀更多