MATAPOS kumain nila Caitlyn ay naglakad-lakad muna sila ni Mika sa labas ng bahay, patungo sa garden. Magkalingkis ang mga braso nilang dalawa habang may ngiti sa labi."Kailan pala ang balik mo?" tanong ni Caitlyn."May pasok na 'ko sa makalawa. Mamaya na ang flight pabalik, sasabay sa'kin si Matthew.""Ang bilis, hindi mo man lang ma-enjoy ang pagpunta mo rito.""Kaya nga, biglaan din kasi…" saglit na tumahimik si Mika, tila may malalim na iniisip. "Pakisabi sa kuya mo, thank you at sinagot niya ang expenses ko papunta rito."Tumango-tango si Caitlyn, si Sandro ang sumagi sa isip. "Hmm, okay.""Sayang lang at wala siya kagabi para ma-witness ang engagement niyong dalawa ni Dok Ezekiel."Napakunot-noo si Caitlyn sabay tingin sa kaibigan saka pagak na natawa. "Ah! You mean, si Marcus? Akala ko naman si kuya Sandro.""Hindi mo siya tinatawag na kuya?"Umiling-iling siya at sumagot, "Hindi ako sanay… siguro sa katagalan, matatawag ko rin siyang gano'n." Matapos ay tinitigan niya nang ma
อ่านเพิ่มเติม