로그인PASADO ALAS-ONSE ng gabi ay naalimpungatan si Caitlyn matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan. Hindi iyong tipong kailangan niyang magbawas ng kinain.Ang nararamdaman niya ay may kasamang pananakit ng likod. Bumangon siya sa kama at pumasok sa banyo. Tiningnan niya ang underwear at nakumpirmang nagka-menstrual period na siya.Pagod siyang naupo sa toilet, hawak ang noo at problemado. Sa dinami-dami ng araw na magkakaroon siya ay iyong nasa ibang bahay pa siya.Worst, wala siyang dalang sanitary napkin.Makailang ulit siyang bumuntong-hininga. Sa dami ng mga nangyari ay nakaligtaan niya kung kailan siya magkakaroon kaya napo-frustrate siya.Paglabas ng banyo ay nilapitan niya si Mika na mahimbing na natutulog. Marahan niyang niyugyog ang balikat nito pero ayaw magising kaya pinakialaman na niya ang bag nito para tingnan kung may dala ba itong magagamit niya.Ngunit nadismaya lang siya nang makitang wala kahit isang piraso man lang ng sanitary napkin. Kaya, isa lang ang ibig sabihin—k
ASIWANG ngumiti si Jude saka pinaliwanag ang nangyari at kung maaari bang mag-stay roon kahit isang gabi si Fiona.“Gusto mong matulog rito?” tanong ni Ezekiel sa dalaga.Tumango-tango si Fiona, may mapang-akit na ngiti. “Kung papayag ka, Uncle.”Nanatiling blangko ang tingin ni Ezekiel sa dalaga patungo sa pamangkin. “Well, may iba kasi akong kasama rito. Kausapin ko muna saka ko kayo balikan.” Akmang isasara ang pinto nang pigilan ni Jude.“‘Di ba pwedeng pumasok muna sa loob, Uncle?” Sabay lingon sa nobya. “Kanina pa nilalamig si Fiona.”Madiing dinilaan ni Ezekiel ang ibabang labi, senyales na malapit na siyang mairita. “Okay, pero ‘pag hindi pumayag ang kasama ko rito. Sa iba na lang kayo pumunta,” aniya, hindi mangingiming paalisin ang dalawa.Ang ngiti sa labi ni Fiona ay unti-unting nahahaluan ng inis. Hindi niya akalaing masama pala talaga ang ugali ng tiyuhin ni Jude.Mas lalo siyang ginanahang gawin ang binabalak. Gusto niya itong paglaruan bilang ganti.Nang makapasok sila
BINUKSAN niya ang pinto, akmang lalabas nang biglang tawagin ng katulong na kasama kanina, “Miss, sa’n kayo pupunta?”Lumingon si Fiona, nakita niyang titig na titig ito habang may dalang tray. Sa palagay niya ay para sa kanya ang pagkain.“May pupuntahan lang ako.”“Sa’n po, Miss?”Hindi siya sumagot saka lumabas. Nang isasara na ang pinto ay nakita niyang humabol ang katulong. Kaya binilisan niya ang kilos, lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas ng gate.Sa lakas ng ulan ay nilalamon ang boses ng katulong na paulit-ulit siyang tinatawag. Naglakad siya sa ulan, sinasadyang lamigin para kapag nagharap sila ni Jude, ay mukha talaga siyang kaawa-awa.Sa entrance ng subdivision ay napansin siya ng guard at makailang ulit na tinawag pero tuloy-tuloy lang siya. Naglakad pa siya ng ilang sandali hanggang sa makarating sa malapit na waiting shed.Siya lang ang mag-isa roon, walang katao-tao habang dinadaan-daanan ng mga sasakyan. Mayamaya pa ay nagsimula siyang lamigin hanggang sa
UMIILING-ILING si Fiona, habang nakikiusap ang tingin sa ama na huwag sabihin ang totoo. Hindi niya kakayanin kung maging ang ina ay tuluyang mag-iba ang tingin sa kanya.“Daddy, please,” pakiusap niya pa.Ngunit nanatiling madilim ang ekspresyon ni Alejandro hanggang sa magsalita na nga, “Ang nangyaring pagkidnap kay Caitlyn ay—”“Hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal kay Jude!” mariing sigaw ni Fiona. “Kapag nangyari ‘yun, sigurado akong—”“Pinagbabantaan mo ba ‘ko?” ani Alejandro, lalong tumindi ang galit na nararamdaman sa puntong namumula na ito at kitang-kita ang ugat sa sentido.Si Meriam na hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin
LUMAPIT si Mika, habang pinapanood ang binata sa ginagawa nito saka natutuwang nagtanong, “You know how to cook?”Tumango si Ezekiel. “I lived alone abroad, kaya natuto akong magluto.”Bakas ang pagkamangha sa mukha ni Mika sabay lingon sa kaibigan. “Narinig mo ‘yun, Caitlyn? Marunong siyang magluto kaya sure akong ‘di ka magugutom in the near future.”Biglang nag-init ang pisngi ni Caitlyn sa sinabi nito. “A-Ano ba ‘yang sinasabi mo!” Sabay talikod sa hiya. “S-Sa kwarto muna ako!” paalam niya saka dali-daling pumasok sa silid.Tatawa-tawang umiling si Mika habang pinapanood ang kaibigan na mahiya. Pagkatapos ay binalingan ang binata. “Ang cute niya mahiya, ‘no?”Nagkibit-balikat lang si Ezekiel, hindi niya ito bibigyan ng rason para tuksuhin pa lalo si Caitlyn.“Alam mo ba… ganyan talaga siya, sweet at mahiyain,” kuwento ni Mika. “Pero dahil sa napagdaanan niya, biglang naging ibang tao na siya.” Pagkatapos ay bigla niyang ibinaling sa ibang direksyon ang mukha para magpunas ng luha
KAPAPASOK lang ni Ezekiel sa condo unit nang mag-ring ang phone. Hindi niya pinagtuonan ng pansin dahil mga ganoong oras nang-iistorbo si Matthew.Naglakad pa siya sa kusina para kumuha ng tubig. Nang muling tumunog ay doon na niya tiningnan ang cellphone habang umiinom ng tubig. Nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan ni Caitlyn dahilan kaya nabasa ang damit niya.Tumikhim-tikhim pa siya bago sagutin ang tawag, “Hello?”“Hello, Ezekiel… Ano, nasa ospital ka na ba ngayon?”“Oo—I mean, nagda-drive pa bakit?”Halos kalahating oras ang biyahe pabalik sa ospital kaya imposibleng makarating siya ng ganoon kabilis.“Ano…”Sandaling naging magulo ang kabilang linya hanggang sa marinig niya ang boses ni Mika.“Hello, Dok Ezekiel. Ako ‘to si Mika… Gusto ko lang sanang itanong kung valid pa rin ba ‘yung offer mo kanina? Wala pala kaming pera pang-hotel. Naiwan ni Caitlyn ang card niya sa kanila,” paliwanag pa nito.“Of course, nasa’n kayo ngayon?”“Nasa tapat kami ng hotel, nag-aabang ul







