Makulay ang umagang iyon sa buong palasyo. Hindi lang dahil sa mga banderitas na nakasabit sa mga bulwagan, kundi dahil mismong royal family ay naghahanda para makisama sa pista ng bayan. Taun-taon itong ginagawa, pero ngayong taon ay espesyal—unang beses na ipapakita sa publiko ang kambal, sina Alaric at Elara.“Mamaaaa, hindi ko mahanap ang isa kong sapatos!” reklamo ni Elara habang paikot-ikot sa silid, nakapamewang na parang maliit na prinsesa.“Anak, nasa ilalim lang ng kama,” sagot ni Cassandra, halatang sanay na sa kalat ng kambal.“Papa, look! I’m ready!” sigaw naman ni Alaric, suot ang maliit niyang cape at korona. Para siyang miniature version ng hari.Napahinto si Nathaniel, nakataas ang kilay. “Who said you can wear the crown, hmm?”Ngumisi si Alaric. “Someday, Papa, I’ll be king. Practicing lang!”Natawa si Cassandra, pero si Nathaniel ay nagkunwaring seryoso. “Not so fast, little prince. You need to master ball games first—at hindi tumama ng bola sa sarili mo, like me la
Last Updated : 2025-09-22 Read more