Mula nang malaman ni Nathaniel ang pagbubuntis ni Cassandra, parang biglang nagbago ang buong palasyo. Kung dati ay abala siya sa mga pulong at pangunguna sa konseho, ngayon, halos lahat ng atensyon niya ay nasa asawa.Isang umaga, habang sinusubukang bumangon si Cassandra para pumunta sa hardin, agad siyang hinarang ng hari.“Cass, saan ka pupunta?” tanong ni Nathaniel, nakataas ang kilay at nakapamewang.“Sa hardin lang, Nat,” nakangiting sagot ng reyna. “Gusto ko lang maglakad-lakad kahit kaunti. Nakakabagot kasi kung puro silid lang.”Umiling si Nathaniel, lumapit at maingat na hinawakan ang kamay ng asawa. “Hindi pwede. Sabi ng manggagamot, kailangan mong magpahinga. Ayokong mapagod ka.”Napabuntong-hininga si Cassandra. “Nat, buntis ako, hindi naman ako may sakit.”“Pareho na rin ‘yon para sa akin,” mabilis na sagot ng hari, mariing nakatitig. “Basta may kahit anong panganib na pwedeng makaapekto sa’yo o sa anak natin—ayoko. Ako mismo ang maglalakad sa hardin para ikwento sa’yo
Last Updated : 2025-09-20 Read more