SANDRA’S POV Nang makaupo kami sa mahabang sofa ay hindi ko na mapigilan itanong ang mga salitang naglalaro sa aking isipan. “P-Paano… paano napunta sa iyo si Sidro?” basag ang tinig ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. Humigop muna ng hangin si Tita Mira, malalim at mabigat, tanda ng paglalakbay ng loob niya bago sumagot. Tumayo siya nang dahan-dahan, tinanggal ang shades sa kaniyang mga mata, at doon ko nakita ang panginginig ng kaniyang mga pilikmata, ang bigat na ilang taon niyang pinasan nang tahimik. “Tatlong taon, Sandra…” panimula niya, mahina pero malinaw. “Tatlong taon ko siyang inalagaan sa America. Dinala ko siya roon noong gabing iyon matapos ang nangyari… Sugatan siya, halos hindi makahinga, at punong-puno ng trauma. Nagtago ako sa likod ng mga kaibigan ko roon, nagpa-ospital ako sa pangalang hindi ko gamit dito. At araw-araw, hija, araw-araw siyang dumaan sa lab tests, therapies, counseling… Lahat, ginawa ko. Kahit hindi ko alam kung may karapatan akong maging
Última atualização : 2025-11-22 Ler mais