SANDRA’S POVKinabukasan, maaga kaming umalis ni Arthur dahil nagyaya siyang mag–beach outing kami. Hapon pa naman ang klase ko kaya hindi na ako tumanggi sa paanyaya niya. Habang naglalakad kami sa buhanginan, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat at ang ganda ng unti-unting pagsikat ng araw.Alas-singko pa lamang ng umaga, at ang tanging dala namin ni Arthur ay ilang pirasong hotdog na plano naming i-barbecue, ilang marshmallows, cup noodles, at siyempre, kape. Kapag mataas na ang araw, uuwi rin kami agad dahil kailangan kong maghanda para sa klase ko mamayang hapon.Nang makahanap kami ng magandang pwesto kung saan tanaw ang sunset, doon namin inilatag ang aming mat. Inayos namin ang mga dala, saka sabay na naupo. Agad akong niyakap ni Arthur mula sa likuran at marahang hinalikan sa balikat. Nakasuot ako ng simpleng pink beach dress, habang siya naman ay naka-blue beach shorts at white V-neck shirt."Baby, how are you these past days?” tanong niya habang hawak ang
Last Updated : 2025-10-13 Read more