SANDRA'S POV Ilang linggo ang dumaan, ngunit anino ng isang Zaniel Arthur Mercer ay hindi ko man lang naaninag. Isang beses ko siyang napanood sa isang noontime talk show kung saan siya naging laman ng panayam ukol sa pagiging isa sa pinakabatang multi-billionaire sa bansa. Maaliwalas ang kaniyang itsura sa telebisyon, mamahalin ang mga damit, at eleganteng-elegante. Bawat tanong ay matalino niyang sinasagot, edukadong-edukado, at sa tuwing natatapos siya sa pagsasalita ay ganoon na lamang ang hiyawan ng mga tao sa loob ng studio. "According to a source ay malapit na daw mapasaiyo ang kompanya ng Daddy mo? What's the reason behind this, Zaniel?" Tanong ng isang kilalang TV host. Zaniel ang tawag ng mga taong kilala siya kapag nasa spotlight siya, ngunit ang sabi niya noon ay Arthur ang tawag ng mga taong malapit sa kaniya. "Dad's going to retire soon, maybe to spend more ti
Last Updated : 2025-09-25 Read more