“H-HUWAG KANG LALAPIT, DAMION… YOU… HINDI MO PWEDENG GAWIN ‘TO…”Ngunit patuloy lang ito sumaulong. Dalawang hakbang pa hanggang sa biglang nagdilim ang paningin niya. Nanghina ang katawan, at tuluyang bumigay.“Zari! Zari!”Iyon ang huling eksenang tumatak sa isipan niya bago siya mawalan ng malay at iyon din ang naging bangungot na paulit-ulit na bumalik habang wala siyang malay.Sa panaginip, hawak ni Damion ang isang matalim na kutsilyo, unti-unting lumalapit, tila handang hiwain ang tiyan niya.Tumakbo siya nang buong lakas, desperadong tumatakas, ngunit saan man siya magpunta, parang anino itong sumusunod.At sa bawat hakbang niya, paulit-ulit na umaalingawngaw ang malamig na tinig sa kanyang tenga, “Rina, you can’t escape.”Kahit hindi siya makakatakas, kailangan pa rin niyang tumakas. Hindi niya hahayaang masaktan ng demonyong iyon ang kanyang anak. “No way!”Biglang bumilis ang paghinga ni Czarina. Napadilat siya at bumalik sa realidad. Nalilito siyang tumingin sa paligid, h
최신 업데이트 : 2026-02-24 더 보기