“KRITIKAL DAW ANG LOLA!”“Ano?” Nanghihinang napaupo si Czarina sa kama, nanginginig ang mga mata na hindi na alam kung saan titingin, pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay anumang oras.Agad na lumapit si Wendy kay Czarina at inabutan ng tubig. “Kumalma ka muna,” aniya nito, pilit pinapakalma ang kaibigan kahit na ang sarili ay hindi nito magawang maikalma.“Ayos lang ako,” nanginginig na wika ni Czarina saka ito pilit na tumayo. “Kailangan kong puntahan si Lola.”Agad na naging aligaga si Wendy. “No, paano kung nandoon si Damion?”“Si Lola ang kailangan kong problemahin, Wen… Siya na lang meron ako…” nanghihinang wika ni Czarina.“Kapag pumunta ka,” nanginginig ang boses ni Wendy habang mahigpit ang hawak sa braso ni Czarina, “hindi ka na makakatakas kay Damion, Zari. Obsessive ang lalaking ’yon. Crazy. Devil mismo. Baka nga siya pa ang may pakana nito.”“Ako na lang ang pupunta kay Lola,” pilit niyang sabi. “Dito ka lang. Titignan ko kung okay siya.”Umiling si Czarina, nangi
최신 업데이트 : 2026-02-12 더 보기